Wryan Chua, handa nang pumasok sa showbiz

Ni: Throy Catan

NAGKAROON ng press conference ang mga entertainment media at blogger sa pag-reveal ng bagong endorser ng Prestige International, si Wryan Chua. Nangyari ang nasabing presscon nung Agosto 1 sa Max Restaurant Roces branch sa Quezon City.

Nagkaroon kami ng pagkakataon na makausap ang young model-actor. Masayang sinagot ang mga katanungan mula sa media at bloggers.

Tinanong namin ang tungkol sa kanyang unang pagsabak sa pag-arte, “Before pa nagta-try na akong mag-artista kasi iyun talaga ang dream ko.” Sabi ni Wryan.

“So, before, nag-TV5 ako pero hindi ko siya tinuluy-tuloy kasi nag-school ako. Gusto ko muna tapusin ang aking pag-aaral. Hindi ko po kasi kayang pagsabayin.” Duktong niya. Kakatapos lang niya sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management sa Centro Escolar University last April.

Habang nag-aaral Si Wryan ay sinubukan niyang sumali sa Mr. Chinatown 2016 at nanalo bilang 2nd-Runner Up. Isa rin siya sa mga cast sa controversial movie na Jacqueline Comes Home.

Kamusta naman ang kanyang experience sa shoot ng Jacqueline Comes Home? “Masaya naman po. Na-enjoy ko po. Tapos first time ko po makita ang sarili ko sa big screen. Siyempre, parang natuwa po ako.” Sabay tawa ang aktor.

Sino kaya ang kanyang iniidolo pagdating sa pag-arte? “Sa mga young actors siguro si Joshua Garcia kasi sobrang galing niyang um-acting. Before noong pinanood ko siya sa PBB, sakto lang siya. Pero ngayon napakita niya ang galing niya sa pag-arte.

“Sa babae po? Si Miles Ocampo po, kasi noon bata pa po ako crush ko na po siya.” Sabi ni Wryan.

Para sa dagdag na detalye tungkol kay Wryan Chua, bisitahin ang kanyang Instagram page.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s