Judy Ann, bilib kay Gladys sa lakas ng loob sa pagpasok sa mga negosyo

Ni:  Rose Garcia

HASHTAG Friendship Goals talaga sina Gladys Reyes at Judy Ann Santos na nagsimula ang pagiging magkaibigan mula sa Mara Clara days nila hanggang ngayon na pareho naming masasabi na napakalayo na ng mga narating mula noon in-terms of career at family life nila.

Matagal-tagal na rin simula nang mag-soft-opening ang bagong “baby” ng mag-asawang Christopher Roxas at Gladys Reyes, ang Estela Restaurant na matatagpuan sa Brick Road, Cainta Rizal. Pero noong July 31 lang ito nag-grand opening na obviously, isa rin sa hinintay talaga ay ang availability ni Juday.

gladys-estela

Si Juday ang isa sa mga kaibigan nilang celebrities na nag-cut ng ribbon along with Angelu de Leon, Donita Rose at Congresswoman Imee Marcos.

Pinatotohanan naman ni Gladys na talagang ang tagal na raw niyang in-invite si Juday.

At sey naman ni Juday, “Ang dami na talagang invitation sa akin ni Chic-Chic, birthdays ng mga anak niya, palagi namang may natatapat na trabaho. Kaya sabi ko, hindi puwedeng wala ako sa grand opening.”

Isang dahilan pa raw kung bakit gusto talaga ni Gladys na makarating sa Estela si Juday ay para matikman nito ang mga food na ino-offer nila bilang si Juday nga naman ay mahusay na chef at kung papasa nga sa panlasa nito.

Bilib si Juday sa lakas ng loob ng kaibigan sa pagpasok nito sa mga businesses. Mas malakas daw ang loob ni Gladys sa ganito, pero sa mga physical activities tulad ng mga rides, mas malakas naman ang loob niya kumpara kay Gladys.

Naiisip din naman daw ni Juday ang magkaroon ng restaurant business, pero hindi pa niya naiisip gawin. Feeling daw niya, mas marami pang puwedeng gawin sa Judy Ann’s Kitchen, her online show than to put up a restaurant.

Mahigit dalawang dekada na ang friendship nila, patunay na may totoong nabubuong tunay na pagkakaibigan sa showbiz.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s