Gumawa ng fanmade poster ng ‘Victor Magtanggol’, nag-sorry na; GMA, na-bash nang husto

Ni: Nora V. Calderon

NAG-SORRY, through his Facebook account na Paulo Naparan ang isang Victor Magtanggol fan na ginaya ang poster ng Thor at pinalabas niyang gawa ng GMA Network ang pinost niyang poster last Monday, July 30.  Dahil dito na-bash ang GMA kahit wala naman silang poster na ganoon dahil solo lamang ni Alden Richards ang mga poster na inilabas nila. Nanggagaya raw sila, bukod sa story ng Thor at ang poster nito ginaya pa rin nila.

Narito ang paghingi ng sorry ni Paulo: “Okay mga dudes.  Let’s clear things up.  THIS IS A FANMADE Poster only. I know medyo hawig yung mapapanood pa lang nating Victor Magtanggol and ang kilala na nating Thor sa mga movies ng marvel, kaya I decided na gawan ng poster ang Victor Magtanggol na at least for my taste e lelebel sa mga poster ng mga past movie ng marvel specially yung first movie poster ng THOR, and posted it on Pinoy Graphic Artist fb group where you can showcase your GD to other graphic artist here in ph.  Then night after kung saan saan ko na sya nakikita, and also napagmumulan na ng hate and kabi-kabilang bash yung show because of this.  Di ko alam, I created this to support Victor Magtanggol hindi po para ibash or kung ano man. Sorry.

VM Thor posters

“Sana bigyan natin ng chance yung show.  And kudos sa mga writers ng GMA para sa mga bagong inihahain sa kanilang manunood.  Yun lang!” Marami ring nag-comment na against kay Paulo pero may mga pumuri rin sa kanya.  Pero ngayon, malinaw nang wala namang kasalanan ang GMA sa lumabas na poster na hindi naman nila gawa, sinamantala lamang ng mga bashers para sila siraan.

Comment nga na sana raw ay panoorin na lamang ang Victor Magtanggol para malaman kung ano talaga ang story ng OFW na si Victor Magtanggol at ang superhero na si Hammerman, gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s