Friendship ni Ai Ai kina Sharon at Marian, pinagdududahan ng netizen; IG post, patama raw kay Kris

Ni: Rohn Romulo

HINDI na talaga pinaliligtas ang mga artistang nagpo-post sa kani-kanilang social media accounts dahil siguradong meron at meron talagang mangba-bash.

Tulad na lang ng latest post ni Ai Ai delas Alas na gusto lang niyang i-share na kung saan naka-tag ang dalawa niyang close at real friends sa showbiz na sina Sharon Cuneta at Marian Rivera.

Ayon sa post ni Ms. A, “Nag pa read ako today kay JHED SATO FERNANDEZ , nag aral din sya ng kabala for 2 years sa israel esoteric reading and he’s also a life coach … sabi nya ingatan ko daw itong mga kaibigan kong to kasi noong past life ko talagang best friends ko na sila and meron pang isa kaso wala na sya sa manila nasa ibang country na tong isang friend ko na to … iam so happy to know kaya pala ganun hehe .. iba din … labyu bff and kambi @reallysharoncuneta @marianrivera”

May mga magaganda namang comments, pero marami rin ang mga negative, na grabe ang panglalait kay Ai Ai dahil parang pinagdududahan ang friendship nito kina Sharon at Marian, na ang sabi ng ibang netizens, ay may pagka-user friendly raw si Ai Ai.
And as expected ini-link din kay Kris Aquino ang kanyang post na sinabing parang patama raw ito sa dating kaibigan na hindi pa nga naibabalik ang maganda nilang samahan.

Well, abangan lang natin kung papatulan ni Ai Ai ang mga comments ng netizen sa nakaka-good vibes naman post.

ARCHIEJON1

Anyway, sobrang happy naman si Ai Ai na kasama ang kanyang mga alaga na sina Archie at Jon na members ng Ex-Battalion sa Victor Magtanggol ni Alden Richards na nag-pilot na last Monday sa GMA Telebabad.

Todo support din si Ms. Ai sa pagpo-promote ng serye ng Pambandang Bae at kanyang baby boy, na gabi-gabi sanang subaybayan ng mga manonood pagkatapos ng 24 Oras.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s