Bagong Kapuso na si Manolo, makakasama sina Jasmine at Gabbi sa ‘Pamilya Roces’

Ni: Rose Garcia

AKTIBO na muli si Manolo Pedrosa, ang dating PBB housemate at naging ka-loveteam noon ni Maris Racal.

Saksi kami kung gaano rin karami ang naging following ni Manolo bilang isang Kapamilya.  Pero yun nga lang, kinailangan nitong pansamantalang mawala sa showbiz.

Two years din na nawala si Manolo.  Though, totoo naman na sa dalawang taon na yun ay nagtuloy-tuloy ito sa pag-aaral sa University of Asia & the Pacific (UAA&P), ang talagang naging main reason bakit kinailangan niyang tumigil sa pag-aartista ng dalawang taon ay dahil sa back niya.

Nagkaroon ng sakit sa back si Manolo na mabuti na lang din, nakuha ng therapy.

manolo pedrosa

Ngayon, back in showbiz but this time, no longer as Kapamilya.  Winelcome na ng Kapuso ang 20 year old chinito at pumirma na rin ng kontrata. Co-managed na ngayon si Manolo ng manager niya na si Jun Reyes at ang GMA Artist Center.

Masayang-masaya raw si Manolo dahil sa nakita niyang pagtanggap ng network.  Ngayon, gusto raw nitong mas mag-focus sa career at mag-workshop pa ng mag-workshop.

Pero mukhang malaki ang tiwala ng Kapuso network kay Manolo dahil heto, kasama na siya agad sa unang serye ni Jasmine Curtis-Smith kunsaan, kasama rin si Gabbi Garcia, ang Pamilya Roces.

Mabait na bata at promising naman talaga si Manolo kaya isa kami sa natuwa sa pagbabalik niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s