Arjo, muling makakasama si Coco; inaabangang role sa ‘BuyBust’ masisilayan na

Ni: Rohn Romulo

LAST year, nabitin kami sa cameo role ni Arjo Atayde sa Ang Panday na pinagbidahan at dinirek ni Coco Martin, pero kahit maikli lang ay tumatak naman ito sa manonood.

Kaya naman natutuwa kaming malaman na nakuha siya para maging part ng lumalaking cast ng Jack Em Popoy:  The Puliscredibles na kung saan kasamang bida ni Coco sina Vic Sotto at Maine Mendoza.

Unang  ngang nagkasama sina Coco at Arjo sa unang taon ng FPJ’s Ang Probinsyano na kung saan marami ang pumuri kay Arjo sa kahusayan sa pagganap bilang Joaquin Tuazon, na naging kontrabida sa buhay ni Cardo Dalisay.

May nagsulat pa nga si Arjo daw ang ‘greatest villain’ sa kanyang henerasyon.

Kaya marami ang mag-aabang kung magkakaroon ba ng part two ang tapatang Coco at Arjo, na this time ay sa 2018 Metro Manila Film Festival entry ng M-Zet, APT, at CCM Productions mula sa direksiyon ni Michael Tuviera.

Sa larawan na lumabas, kasama rin sa movie sina Ronaldo Valdez, Cherie Pie Picache, Tirso Cruz lll, Mark Lapid, PJ Endrinal, Ryza Cenon at Dabarkads ng Eat Bulaga na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Ryzza Mae Dizon at Baeby Baste.

arjo bb

Pero bago siya magsimulang mag-shooting sa bagong pelikula, panoorin muna natin si Arjo sa BuyBust na pagbibidahan nina Anne Curtis at Brandon Vera na mula sa Viva Films at Reality Entertainment.

At base sa mga nauna nang nakapanood, nakakagulat at nakakatakot daw ang pagganap ni Arjo bilang ‘Biggie Chen’ sa naturang pelikula na patuloy na pinupuri ng mga film critics sa buong mundo.

At sa naganap na celebrity screening ng BuyBust, ipinasilip na rin ang trailer ng isa pang movie ni Arjo na may titulong ‘Tol kasama sina Ketchup Eusebio at Joross Gamboa sa direksiyon ito ni Miko Livelo at ipalalabas sa September.

Arjo-Atayde-Origin-Series

Mukhang nagkasunod-sunod ang movie ni Arjo sa taong ito, bukod pa sa teleserye na kinabibilangan niya ang The General’s Daughter na kung saan gaganap siyang anak ni Diamond Star Maricel Soriano, na hangang-hanga rin sa kanyang kahusayan bilang aktor.

Sobrang happy rin ni Arjo na kasama siya sa lumalaking pamilya ng BeauteDerm (na pag-aari ng mabait at generous na si Ms. Rhea Ramos Anicoche-Tan )at first endorser nang mabentang-mabenta na Origin Series na may tatlong scents na Alpha, Radix at ang favorite namin na Dawn.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s