Nam Joo Hyuk, hindi naging maganda ang karanasan sa ‘Pinas; babaeng fans naging wild

Ni:  Rose Garcia

PUWEDENG sabihin na hindi naging maganda ang karanasan ng South Korean actor na si Nam Joo Hyuk sa naganap na Penshoppe FanCon sa MOA Arena kunsaan, kasama niya ang kapareho niyang endorser na si Sandara Park.

Naging wild ang mga babaeng fans ni Nam Joo Hyuk at kitang-kita ito sa live streaming ng event. Pati si Sandara, naitulak nu’ng fan makalapit at mahawakan lang ang K-actor. Nangyari ito during the photo op, e dahil ilang fan meeting na rin ng Korean stars ang napuntahan namin, tahasan talaga naming masasabi na inappropriate ang ginawa ng ilang fan ni NJH sa bansa.

Kapag photo-op, photo-op lang talaga which is group photo. Wala na rito yung shake hands, high touch o kung ano-ano pa. Mahigpit ang Koreans sa ganyan.

Penshoppe FanCon 2018 presscon. Photo courtesy of Penshoppe
Penshoppe FanCon 2018 presscon. Photo courtesy of Penshoppe

Ending, nababasa namin sa socmed na pinapa-hunting ng ibang fans lalo na yung dalawang babaeng fans na para sa kanila, nabastos talaga ang K-actor sa ginawa.  Halata naman din kasi kay Nam Joo Hyuk na hindi na ito kumportable, hindi na rin makangiti at parang naging tuod na lang habang nagpo-photo op.

Pero sa pangyayaring ito, tinitingnan namin siya sa dalawang bagay.  Una, may pagkukulang ang Penshoppe o kung sino man ang kinuha nilang organizer dahil obviously, hindi ito nabantayang mabuti.  Sa ibang fanmeeting, very strict talaga ang mga security at staff na nakapaligid sa mga Korean star.

Pangalawa, mukhang hindi pa sanay si NJH sa mga wild fans. Maaaring nabigla ang K-actor sa nangyari, pero puwede sana niyang nagpaka-cool lang at hindi rin nagpakita ng pagka-inis.

Nam Joo Hyuk _ Penshoppe

Minsan kasi, fans are fans, may mga hindi makapagpigil kapag nasa harapan na ng idolo nila. Eh, iba ang kultura ng Pinoy fans sa Korean fans naman.  Although, marami rin sa mga Korean fans na tinatawag ngang “sasaeng” na wild din tulad ng mga fans ng grupong BTS at Wanna One.

Wish lang ng ibang K-addicts, ‘wag daw sanang maging dahilan ang pangyayaring ito para matakot o madala ang ibang Korean stars, lalo na ang mga sikat at hindi pa nakakapag-fanmeeting sa bansa na pumunta pa rin sa Pinas.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s