Bagong team-up nina Mark at Heavenly, kinakitaan ng potential ni Direk Julius

Ni: Rose Garcia

BUKAS, August 1 ang showing ng pelikulang Harry & Patty (A Beginning of a NOT SO Beautiful Love Story) na pinagbibidahan nina Ahron Villena at Kakai Bautista.

Makikipag-sabayan ang movie sa showing naman ng BuyBust ni Anne Curtis na marami na rin ang nag-aabang.

Pero ang ganda ng fighting spirit ng CineKo Productions, maging ng director ng movie na si Direk Julius Alfonso na tila laban mode lang. Una nga naman sa lahat, sobrang magkaiba ng genre ang BuyBust at ang Harry & Patty.

Sa tema pa lang ng dalawang pelikula, alam mo na magkaiba ang target moviegoers nila.
Ikalawang full-length film pa lang ni Direk Julius ang Harry & Patty, pero very impressive na ang una niyang comedy film, ang Dedma Walking. Siya rin pala ang nagtuloy ng Felix Manalo movie.

Siyempre, aware si Direk Julius sa naging isyu ng dalawang bida niya noon. Pero, kinausap raw niya pareho ang dalawa bago pa sila magsimula. Hindi pa raw siya nakuntento, kinausap pa raw niya individually sina Kakai at Ahron. At pareho raw na may kanya-kanyang version ng kuwento o nararamdaman nila.

Nakikita namin na confident si Direk Julius sa Harry & Patty at bilib siya sa husay ng mga artista niya, lalo na siyempre si Kakai. Si Direk din ang nag-recommend kay Heaven Peralejo na nakikitaan niya talaga ng potential.

Gayundin kay Mark Neumann na kahit nalinya noon sa mga drama, may timing din daw sa comedy. Plus, fresh din na makita ang bagong team-up nina Mark at Heaven sa big screen naman.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s