Miguel, parang girl na ‘ang haba ng buhok’, kung totoong pinag-aagawan nina Bianca at Kyline

Ni: Rose Garcia

ANG intense ng Kambal Karibal, yung intensity, umaabot hanggang sa mga isyu sa tatlong bida nito na sina Bianca Umali, Kyline Alcantara at Miguel Tanfelix.

Yung dating blind item lang, pinangalanan na ngayon na kesyo kinulong daw ni Bianca si Kyline dahil ang siste, may ahasang nangyari sa pagitan nilang tatlo.  Ang sinasabing inahas, si Miguel ni Kyline.

Siyempre, kanya-kanya ng take sa isyu, lalo na ang mga fans nina Bianca at Kyline. Kanya-kanya ng pinaniniwalaan. Kinse anyos pa lang si Kyline kaya parang ang hirap namang paniwalaan.  While si Bianca naman, parang wala sa characteristic nito ang diumano’y pagkulong at paninita sa co-star niya.

Ang bida sa lahat at leading man na leading man ang dating, aba, si Miguel!  Kung babae si Miguel, bagay ang phrase na, “ang haba ng hair!”

Kambal-Karibal girls

Well, ang take namin dito, ang babata pa ng tatlo. Kung totoo man na may nangyayaring ganito, parang hindi mo na dapat seryosohin. Lalo na kapag nakakarinig kami ng kuwento sa mga nakaka-witness sa kanila sa set na okey naman daw ang mga ito at mga nag-uusap naman palagi.

Anyway, aminin na kung anumang isyu sa tatlo, kesyo nag-aaway-away man ang mga fans, e, walang-duda na mas lalong nagiging interesado pa manonood sa serye. Malapit na itong mag-finale episode at consistent top-rater.

Kaya tingin talaga namin sa isyung ito, kung maha-handle ito ng maayos, mas lalo lang itong ikasisikat ng tatlong Kapuso stars, huh!

Sa isang banda, ang isa pa sa bida rin ng serye na si Pauleen Mendoza ay positive naman na mukhang dahil na rin sa KK, natupad na ang wish niyang makabili at magkaroon ng sariling sasakyan.

At kung affected ang fans ng tatlo sa isyu nina Miguel, Kyline at Bianca, naiinis man ang mga fans ni Pauleen sa role niya as Crisel, happy sila para sa Kapuso star na may pangarap ng natupad.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s