Direk Dominic, inihalintulad sa ino-offer ng isang restaurant ang ‘Victor Magtanggol’

Ni: Rose Garcia

NGAYONG gabi napagkatapos ng 24 Oras ang simula ng pinakabagong fantaserye sa telebisyon, ang Victor Magtanggol. 

Ilang araw na simula nang mag-grand presscon ang Victor Magtanggol na pinangungunahan ng bida nito, si Victor Magtanggol himself na si Alden Richards, pero parang nakatatak pa rin sa isipan namin ang naging pahayag/paanyaya ng director ng bagong primetime series na ito ng network na si Direk Dominic Zapata.

Hindi naman talaga puwedeng ikaila na nasa isip ng karamihan, makakatapat o makakalaban ngayong gabi ng Victor Magtanggol ang isa ng matagal at subok na serye sa gabi.

Ano nga ba ang laban ng bagong fantaserye na ito ng Kapuso, bukod sa alam nating marami na ang nasasabik na mapanood muli si Alden na umaarte namang muli sa primetime.

ALDEN7

Sa lahat, tila si Direk Dominic ang may magandang sagot na inihalintulad niya sa putaheng ino-offer ng isang restaurant.

Na kapag yun at yun, may umay factor kaya dapat, may inihahain din na bago.

Ayon kay Direk Dom, “Ako, naa-appreciate ko na when I go to a restaurant, that restaurant don’t take for granted na babalik ako sa restaurant na yun by giving something new.

“So I don’t mind in our network to present to you something new.  We don’t mind, our team, we don’t mind.  And we will take the bullets.  Kung hindi niyo magustuhan, sampalin niyo na lang kami.

“Huwag niyo lang masabi na we took you for granted at binibigay lang namin sa inyo ang nakasanayan niyo.”

Personally, positibo kaming talaga na bukod sa effort at husay na ibinuhos ng buong production at ni Alden mismo sa bago niyang serye, hindi pa rin puwedeng mawala ng bisa ang kasabihing, what you sow, you reap.

Si Alden ang isang actor na mula noon hanggang ngayon, hindi talaga napagbago ng tinatamong tagumpay.      Marami ang nagmamahal at yung totoong nagmamahal sa kanya ang siguradong kasabay niyang manonood simula sa pilot ng Victor Magtanggol.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s