Coney, naiyak din nang sabihin ni Alden na, ‘naalala ko ang mama ko sa inyo’

Ni: Ruel J. Mendoza

SOBRANG thankful si Ms. Coney Reyes dahil hinintay siya ng GMA-7 para siya ang gumanap bilang ina ni Alden Richards sa telefantasya na Victor Magtanggol.

Kuwento ni Coney na noong una raw na in-offer sa kanya ang role noong nakaraang March, tumanggi na raw siya dahil ini-enjoy daw niya ang time niya kasama ang mga apo.

“They started taping noong March pa yata. I turned it down kasi I wasn’t ready to work pa on TV. Pero they said na first choice nila ako to play Alden’s mom at ni-request din daw ako nung bata.

“So I said, I will let them know kung kelan ako puwede na. And gusto ko ring makatrabaho si Alden.

“Tumatanggap naman ako ng teleserye, pero hindi madalas. Like ‘yung huli ko was ‘My Dear Heart’ sa ABS-CBN 2. Noong June 2017 pa  iyon natapos. Pinipili ko rin ang mga ino-offer sa akin.

“Noong dumating ang May, ayun puwede na ako ulit na mag-work. Kaya inayos na nila ang pag-shoot namin ng mga scenes sa Japan.

“My first taping day was that scene na nagkita kami ni Alden sa park.

“Ang sabi niya sa akin parang ang bilis niyang umiyak so I held him. Tapos sabi niya, ‘Kasi naalala ko ang mama ko sa inyo.’ Naiyak ako! Pati ako iiyak! You know his story ‘di ba?” kuwento ni Ms. Coney.

Bago raw sila mag-taping ni Alden ay nagdasal daw muna sila.

“Kaya blessed ni Lord ‘yung eksena namin na iyon.

“Naging maayos ang lahat noong nasa Japan kami. Everyone was so cooperative.

“Alam n’yo naman kapag sa ibang bansa nagsu-shoot, skeleton crew lang, kaya we all pitched in to help one another para mas mabilis at maayos ang trabaho sa set,” pagtatapos pa ni Ms. Coney Reyes na huling napanood sa GMA-7 via Ang Dalawang Mrs. Real noong 2014.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s