Christian, naapektuhan sa isyu ng ‘utang na loob’ dahil ‘di mawawala ‘yun habang buhay

Ni:  Rose Garcia

MUKHANG nakahinga na si Christian Bables at parang “good start” naman sa kanya ngayon ang entry niya sa PPP (Pista ng Pelikulang Pilipino), ang Signal Rock dahil clean slate siya.

Nagka-ayos na nga sila nina Direk Perci Intalan at Direk Jun Lana kunsaan, si Christian ang nag-initiate na lumapit sa mga ito at mag-sorry.

SR_8x8 - Copy

Aminado si Christian na naramdaman niyang naapektuhan siya at ang career niya dahil sa isyu nila.

“Naapektuhan po kasi ang daming write-ups. And it was painful for me ‘coz I know na yung mga nakasulat po dun sa write-ups, hindi po totoo. Yung utang na loob na sinasabi po sa mga write-ups, sobra po, hindi po totoo yun dahil ako po, alam ko po, hindi po mawawala yun hanggang sa mamatay po ako.”

Pero ngayon, masaya na nga si Christian at nakita namin sa aura niya yun.  Umaasa si Christian sa kabila ng kabang nararamdaman dahil first lead role niya ang Signal Rock (supposedly, ang Born Beautiful nga sana na napunta na kay Martin del Rosario) na sana raw mag-hit at maraming manoood.

CHRISTIAN

“Sa totoo lang po, ipinagpapasa-Diyos ko na lang po.  Pero siyempre po, talagang sa umpisa, kabado po ako.  Iniisip ko, maghi-hit ba, may manonood kaya?  Pero napakaganda po ng quality ng film at Direk Chito Roño pa po, kaya dun pa lang po, nasisiguro ko na po na magugustuhan nila talaga ang movie namin.”

Ang Signal Rock ang isa sa entry sa PPP na magsisimulang mapanood nationwide mula August 15 hanggang August 21.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s