Alden, huhusgahan na ngayong gabi sa ‘Victor Magtanggol’ na talagang ginastusan

Ni: Nora V. Calderon

HUHUSGAHAN na ngayon si Alden Richards at ang kanyang new action-drama-fantasy series na Victor Magtanggol. 

Based sa mga teasers na ipinalalabas ng GMA Network, kitang-kita na talagang ginastusan nila ang project na dinidirek ni Dominic Zapata at nag-shoot pa sila abroad para sa pagsisimula kung paano nakuha ni Victor ang kanyang superpower at tinawag siyang Hammerman.

Kitang-kita rin sa mga teasers kung paano ginampanan ni Alden ang mga mahihirap na eksena, na ang iba nga buwis-buhay na.  Pero dasal daw lamang ang kasama niya kapag may mga ganoong eksena na siya mismo ang gumaganap, maliban na lamang kung may eksenang hindi siya talaga pinapayagan ni Direk Dom gawin.

Alden VM promo

Ayon sa Executive Producer ng serye, sa pagsisimula ng pilot episode ngayong gabi, at 7:45 PM after ng 24 Oras, may mga dramatic moments nang magpapaiyak sa mga manononood.

Subaybayan ang katauhan nina Victor Magtanggol at Hammerman, kasama ang ibang cast: Coney Reyes, John Estrada, Janine Gutierrez, Andrea Torres, Eric Quizon, Pancho Magno, Kristoffer Martin at marami pang iba.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s