Aicelle, sinorpresa ng fiancé na si Mark nang puntahan sa United Kingdom na four months nang magkahiwalay

Ni: Ruel J. Mendoza

SINORPRESA ng GMA news correspondent Mark Zambrano ang kanyang fiancé, ang Kapuso singer na si Aicelle Santos, nang puntahan niya ito sa United Kingdom.

Kasalukuyang nagtu-tour si Aicelle sa U.K. kasama ang cast ng Miss Saigon. Gumaganap siya bilang si Gigi.

Sa airport sa Plymouth in southwest England muling nagkita ang dalawa pagkatapos ng apat na buwan na nagkahiwalay.

Pinost pa ni Aicelle sa Instagram ang isang video kunsaan nagtago pa si Mark sa mga halamanan sa airport para lang gulatin ang kanyang fiancé.

“Still can’t believe you’re here with me now mahal ko!😭 I’ve been longing for this day. Mahal na mahal po kita @markzambrano!😭❤️🙏 Thank you @ageeromero & @jpedrovaldes.🙏 #amazinggrace #AinMissSaigon #AiMarkinUK

📽 @david_allwood @markzambrano @ageeromero”

Dahil apat na buwan nagwalay ang dalawa sa isa’t isa, wala silang sinayang na oras habang magkasama sila sa Plymouth.

“First date in 4 months.👫❤️ #Barbican #Plymouth #AinMissSaigon #summer #skecherssandals,” caption pa ni Aicelle sa kanyang IG post.

Hanggang August 4 ang pagtatanghal ng Miss Saigon sa Theater Royal in Plymouth.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s