Jo, sobrang grateful kay Nora na ‘di pinaramdam ang pagiging ‘Superstar’

Ni:  Rose Garcia

MAPALAD si Jo Berry dahil sa kabila ng kanyang situwasyon, which is, isa siya sa matatawag na pinanganak na may achondroplasia o sa madaling salita, yung mga nakikita nating unano ay heto’t isa na siyang ganap na aktres at Kapuso.

Si Jo Berry ang bida ng bagong primetime series ng GMA-7, ang Onanay na magsisimula ng mapanood sa August 6.  Tila na-inspire ang writer ng Onanay nang lumabas daw siya sa Magpakailanman kaya inspired sa role niya roon ang na-develop na kuwento ng teleserye.

Jo Berry (4)

Bongga pa ang mga kasama niya sa cast with no less than Superstar Nora Aunor and the Cherie Gil.

“Sobrang grateful po talaga ko na si Nanay Nora ang kasama ko.  Noong una po, nahihiya po ako pero kung mag-trato po siya sa akin, para pong hindi siya Superstar.  Kasi, iniisip ko, sino ba naman ako? Pero sobrang bait po niya sa akin.”

Natakot daw talaga siya kay Cherie Gil, pero sa show lang daw, off-cam, mabait din daw ito at palagi siyang sinasabihan na ‘wag kabahan.

More than na makaramdam ng intimidation, mas starstruck daw ang nararamdaman niya sa mga ito.  Thankful si Jo Berry dahil pinapalakas daw talaga ng mga ito ang loob niya.

Bukod kina Nora, Cherie, kasama rin sa serye sina Wendell Ramos, Rochelle Pangilinan, Gardo Versoza, Vaness Del Moral, Adrian Alandy, Enrico Cuenca, Mikee Quintos at Kate Valdez sa direksiyon ni Gina Alajar.

Nora Aunor (2)

At kahit sinasabi ni Jo na hindi pa nagsi-sink-in sa kanyang artista na siya, halatang masaya ito sa pagkukuwento na may mga nagpapa-picture na sa kanya kapag nasa labas siya at sinasabihan daw siyang hinihintay talaga ng mga ito ang Onanay para panoorin.

Bongga rin si Jo dahil daig niya ang ibang NBSB (No boyfriend since birth) dahil mukhang humataw na rin siya sa mga naging past relationships.  Kaya sabi nga namin, kung siya sa totoong buhay ay naranasan na niya, hindi masasabing “fantaserye” ang pagmamahal ng leading man niya na si Adrian Alandy sa kanya.

“Yes, opo, it’s true love,” nakangiting sabi niya.

At sa pamamagitan nga raw ng Onanay, wish ni Jo na marami siyang ma-inspire pa na mga manonood.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s