Alden, ‘di makapaniwala sa sinabi ni Coney na siya ang dahilan kaya tinanggap ang ‘Victor Magtanggol’

Ni: Ricky Calderon 

SA mga eksenang nagawa na niya for his TV series Victor Magtanggol, sinabi ni Alden Richards na kabilang sa mga pinaka-challenging ay ‘yung confrontation scene nila ni Ms. Coney Reyes, na gumaganap na nanay niya.

“Very challenging po yung eksena ko with Ms. Connie Reyes. Yung confrontations po namin kasi siya po yung hinanap ko. Yung mommy ko na nawala for the longest time tapos natagpuan ko siya. Hindi ko nagustuhan ang nangyari sa kanya sa abroad, na iniwan niya kami para sa ibang pamilya,” kwento ni Alden sa presscon ng kanyang GMA fantaserye.

May kurot daw sa puso niya iyon dahil involved sa eksena ang nanay at patungkol sa struggle ng isang family na iniwan ng nanay.

“Although wala naman personal event sa buhay ko na nangyari po Iyon. It’s just that ‘yung puso ng mga writers sa pagsusulat, naramdaman ko po yun dun sa pagkikita ni Victor at ng kanyang nanay,” sabi pa ni Alden na ulila na sa kanyang ina.

CONEY5

Ramdam na ramdam raw niya si Coney Reyes sa kanilang eksena, ani Alden. Napanood raw niya ito sa Four Sisters and A Wedding and ang wish niya ay makasama niya si Ms. Coney sa isang movie o kaya soap opera.

Hindi naman daw siya na-intimidate sa batikang aktres the first time they met kasi ay hinalikan siya nito at hinalikan.

“Very warm si Ms. Coney at sinabi niya na one of the major reasons why she accepted this project is because of me. So doon pa lang po, parang gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko kasi yung manggaling po ang salitang yun kay Ms. Coney, parang sino naman ako? Bago kami mag-shoot we pray. Very prayerful po si Ms. Coney kaya bawat eksena namin ay madali namin nagagawa.”

Aware si Alden na matinding shows sa rival station ang katapat ng Victor Magtanggol.

“Kinakabahan po ako kasi po ‘yung mga shows na iyan, matagal na. Kami po ay bago pa lang pero malaki naman po ang tiwala ko sa show at sa mga taong nasa likod ng ‘Victor Magtanggol’. Malaki po ang tiwala ko sa project na ito,” pahayag pa ng humble na Kapuso actor.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s