‘Signal Rock’, passion project ni Direk Chito at personal choice niya si Christian

Ni: Rohn Romulo

MAGSASAMANG muli ang well-respected and a box-office hit director na si Chito S. Rono at ang budding award-winning actor na si Christian Bables sa Signal Rock, ang highly-anticipated film offering ng CSR Film PH Production at idi-distribute ng Regal Entertainment, Inc.

Ang Signal Rock ang ikawalang pelikula ni Direk Chito na kinunan sa Biri, Samar, na ayon sa kanya ito ay simple pero realistic drama.

CHITO-RONO

Aminado rin siya na passion project film niya ito para sa moviegoers.

“Ang totoong kwento ng ‘Signal Rock’ ay tungkol sa mga ordinaryong tao sa probinsya na remote, mga taong lahat ng mga kasama nila nagsipag-abroad, ito ang place na iniiwan para makapagbigay ng suporta sa pamilya. Marami na tayong kwento tungkol sa mga OFW, pero ito ang kwento ng mga taong napagiwanan sa probinsya, na kung tawagin ay Bagtik.” paliwang nang mahusay na direktor na mahigit tatlong dekada sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Ilan sa notable movies niya na talagang gumawang ng ingay at parangal ay ang Bata, bata… Paano ka Ginawa? (1998), Feng Shui (2004 and 2014), Sukob (2006), Caregiver (2008), The Healing (2012), Etiquette for Mistresses (2015), at The Ghost Bride (2017).

christian and nanding

Dagdag kuwento pa ni Direk Chito tungkol sa Signal Rock, nag-stay ang cast and crew sa Samar for 15 days, “To be more realistic, tumira talaga kami sa Samar. Hanggang ngayon remote pa talaga ito. Nakikitira kami sa mga tao roon, walang special treatment. Nasanay na sila na naglalakad papunta sa shooting location. Nakikihalubilo sa mga tao doon, naging familiar na kami doon.    “Dito namin lalong nakilala ang mga totoong tao, totoong buhay, parang naging bahay na namin doon at wala talagang signal!”

Personal na pinili ng master director si Christian na nag-audition para sa role ni Intoy.

“Hindi ko binigay sa kanila ang script ng pelikula, pinapabasa ko lang ang mga linya nila kapag malapit na kaming mag-take ng eksena,” sambit pa ni Direk Chito.

signal-rock-3

Binahagi naman ni Christian na ginawa niya ang kanya best sa pelikula, dahil dream talaga niyang na makatrabaho ang beteranong direktor.  Kaya nang sinabing may love scene siya, wala talaga siyang takot na naghubad.

“Gusto ko ibigay lahat para sa passion project ni Direk Chito. May mga ginawa ako dito na first time ko, na proud ako dito ko ibinigay. Sana abangan po ninyo. Ang ganda ng location namin at talagang ma-aappreciate ninyo ang Pilipinas.”

Ang Signal Rock ay mula sa production ni Direk Chito kasama ang kanyang Director of Photography na si Neil Daza at sinulat ng award-winning screen writer na si Rody Vera.

SIGNAL-ROCK-1

Ayon sa select screeners ng Signal Rock, the movie is tear-jerking,  creating awareness of small town stories. Isa ito sa official entry paparating na Pista ng Pelikulang Pilipino Film Festival 2018 na magaganap sa August 15 hanggang 21, 2018.

Kasama rin sa movie sina Elora Españo, Mara Lopez, Francis Magundayao, Daria Ramirez, Arnold Reyes, Nandiing Josef, Archie Adamos, Sue Prado, JayR Versales, Keana Reeves, Julia Chua, Kokoy De Santos, Jomari Angeles, Rubu Ruiz, Mon Confiado, Ces Quesada, Lee O’Brian, Dido Dela Paz at marami pang iba.

signal-rock-2

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s