Dinky Doo, maraming projects ang natatangap ngayong taon

Ni: Throy Catan

SOBRA ang blessing na natatanggap na projects ni Dinky Doo, mapapelikula man o live shows.

Nung July 17th sa BEATS Avenue sa Mother Ignacia Street ginanap ang storycon ng bago niyang pelikulang My Dad! I Hate Drugs. Si Dinky Doo mismo ang nag-direk at nag-sulat ng pelikula.

Para kay Dinky, calling ng Panginoon ang paggawa ng advocacy film related sa illegal drugs, “Naging calling sa akin ng Panginoon na i-share ang aking kuwento kaya nabuo ang DAD. Iyung Dad si God. Gusto ko mapalapit sila sa Panginoon para lumayo na sila sa kanilang bisyo.” Deklara niya.

Makakasama niya sa pelikula ay ang kanyang leading lady na si Claire Ruiz. Pati na rin sina Alysse Montenegro, Paul AlvatezRenan MoralesDianne MedinaJenny Fajardo, Tori Garcia, at marami pang iba.

Ilang araw pagkatapos ng storycon, inanunsyo ni Dinky sa kanyang Facebook page ang kanyang upcoming concert na pinamagatang Dinky Doo is Yebahdabadoo: Live in Concert. Gaganapin ang concert sa Music Museum on November 23, Biyernes.

Wala pang anunsyo kung sinu-sino ang makakasama niyang celebrity guests sa kanyang concert.

Samantala, busy din ang comedian actor sa programa ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (P.D.D.S.) kasama sina P.D.D.S. National Deputy William Efren Reyes, Chairman Marynette Gamboa, at WT Sec. Gen. Glendol A. Badon.

Para sa iba pang detalye ng kanyang concert at iba pang proyekto ni Dinky Doo, bisitahin ang kanyang Facebook page.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s