Alden, mas gustong siya na lang ang i-bash ng fans nila ni Maine

Ni: Rose Garcia

MABIBIGO ang mga nag-aabang na maging highlight sa pagbabalik primetime series ng Pambansang Bae na si Alden Richards ang love angle, love interest o loveteam.

Sa ginanap na grand media conference pa lang, halos hindi natalakay ang pagkakaroon ng leading ladies ni Alden, though nasa cast sina Reese Tuazon (bestfriend ng gumaganap na kapatid ni Alden na si Lindsay de Vera) na may crush kay Victor Magtanggol, Andrea Torres bilang si Sif, isa sa mga goddesses at Janine Gutierrez bilang si Gwen Regalado na ise-save ng isa pang katauhan ni Alden na si Hammerman.

Consistent ang kuwento ng cast na ang bago at itinuturing na pinakamalaking serye ng GMA-7 na Victor Magtanggol ay naka-sentro sa kuwento ng pamilya. Kaya hindi raw talaga naka-pokus sa love story.

ALDEN1

Pero siyempre, may superhero ba na walang mga nagkakaroon ng interes, obviously, ang tatlong Kapuso actress na nabanggit ang gaganap dito.

Ayon kay Janine nang tanungin namin sa chemistry nila ni Alden,

“Ang story talaga, tungkol talaga kay Victor Magtanggol, sa kanya talaga umiikot ang kuwento.  Kami ang mga taong nakapaligid sa kanya, pero, sa kanya talaga naka-sentro ang kuwento.”

Si Andrea naman, masaya para kay Alden at ang magiging kaugnayan nga raw niya rito ay sa dahilang siya ang asawa ni Thor na nagbigay ng power kay Victor Magtanggol.

Kahit may mga natatanggap na pangba-bash sa ilan, katulad ni Alden, katwiran nila pareho ay trabaho lang naman ang ginagawa nila at makapaghatid ng magandang serye sa mga Kapuso.

Kilalang napakabait ni Alden. Alam din niya dahil sa kanya at kahit sinong madikit sa kanya, nagiging biktima ng bashing, pero sabi nga niya, wala namang malisya pero nilalagyan ng iba.

Kaya ang wish niya, “Nakakalungkot nga po. Pero sana ako na lang po ang i-bash nila.”

Natutunan na raw ni Alden na hindi na lang magbasa o maapektuhan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s