Michelle, excited dahil for the first time bida na rin sa ‘Dito Lang Ako’

Ni: Rose Garcia

HINDI raw alam ng Star Magic star na si Michelle Vito kung bakit siya ang napili sa mga nag-audition para sa pelikulang Dito Lang Ako. 

Si Michelle nga ang female lead at siyang gaganap bilang young Boots Anson-Roa sa unang full-length film ng Blade Entertainment.

Excited si Michelle dahil unang pagkakataon niya itong makapag-bida sa isang pelikula.  Six years na rin sa industry ang magandang Kapamilya star at alam daw niyang marami pa siyang puwedeng gawin at ipakita, pero okey naman daw siya ngayon dahil desidido talaga siyang magtapos ng pag-aaral.

“Siyempre, lahat naman po kami, we want something more, teleseserye, more projects. Pero ako po, lahat ng nangyayari sa akin ngayon, masaya pa rin po ako kasi, hindi ko po masasabing nawawalan ako.

“At yun nga po, nag-aaral po ako. Kaya hindi rin po ako doon lang naka-focus.”

dla-cast1

Sa Benilde nag-aaral si Michelle ng Human Resources at halos isang taon na lang daw, tapos na rin siya.

Sa telebisyon naman ay regular na siyang napapanood sa sitcom na Home Sweetie Home. Unlike other stars na nagkaroon ng identified na ka-loveteam, siya raw kasi ay wala talaga.

Pero, kung sakali at magkakaroon, okey rin daw sa kanya ang may ka-loveteam.

Pero sa movie nila na Dito Lang Ako na showing na sa August 8, pag-aagawan siya nina Akihiro Blanco at Jon Lucas.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s