Janine, binash nang todo-todo; pati balat pinagdiskitahan dahil malas daw

Ni: Rohn Romulo

SA simula pa lang na napili si Janine Gutierrez na maging isa sa leading ladies ni Alden Richards sa Victor Magtanggol na mapapanood na sa Lunes, July 30, hindi na talaga ito tinantanan ng mga bashers.

Kamakailan binash na naman ang anak ni Lotlot de Leon na sa post ng isang @aldenonly02: “Pati lipstick CHEAP! Bagay sa starlet like u! Hoy balat!  Malas na balat!!!!! Pati si Alden nababash ng dahil sayo!

“Bwisit ka! Lahat ng malapit sayo minamalas! Kaya pati magulang mo naghiwalay eh.”

Sinagot naman ito ni Janine sa kanyang IG account na @janinegutierrez: “kawawa naman ‘yun balat ko :)”

JANINE8 (1)

Samantala, inamin ni Janine, na natakot talaga siya nang i-offer sa kanya ang Victor Magtanggol at makatambal nga si Alden, pero hindi raw niya tatangihan ang isang magandang project, lalo na’t si Dominic Zapata ang direktor nila.

Bata pa raw siya ay pinapanood na niya ang malalaking teleserye ng GMA-7 na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez tulad ng Mulawin at Captain Barbell at ngayon nga ay siya naman ang dinidirek.

Anyway, parang dedma na lang talaga si Janine sa mga bashers na sobrang sexy sa kanyang suot sa mediacon ng Victor Magtanggol, na alam niyang hindi titigil lalo na’t malapit na silang mapanood na sa first week pa lang ng action-fantasy series ay makikita na silang magkasama ni Alden.

Ayaw din pag-usapan ni Janine ang mga komento na may instant chemistry sila ng aktor, dahil hindi naman daw sesentro sa kanila ang Victor Magtanggol, dahil hindi ito love story, mas iikot ang istorya sa pamilya at adventures ni Victor at bilang Hammer Man.

ALDEN7

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s