Barbie, dapat ay nag-report muna kung totoong kagagawan ni Paul pero inuna pang mag-selfie

Ni: Ruel J. Mendoza

NAGPADALA ng mensahe ang ama ng aktor na si Paul Salas kaugnay sa physical abuse accusations sa kanya ng girlfriend na si Barbie Imperial.

Ayon kay Jim Salas, kung may totoong sala raw ang kanyang anak, dapat ay ni-report muna ito ni Barbie sa barangay o sa pulisya. Hindi ‘yung inuna pa niyang mag-selfie ng mga sugat at pasa niya sa katawan.

“Kilala niyo si Paul at alam niyong hindi niya kaya gawin yun.

“Alam namen ang totoo. Alam ng Diyos ang totoo.

“Mahirap magsalita agad dahil sarado utak ng mga tao.

“Kung totoo ang sinasabi ng babaeng yun, bakit hindi siya nagsumbong sa pulis o kaya brgy?

“Nagkaoras pa siya mag selfie ng mga sugat niya na hindi namna gawa ni Paul.

“Malalaman niyo din ang totoong kwento.

“Sa ngayon, maging bukas ang isip naten na dalawa ang kwento parati sa storya at antayin ang kwento sa side ng anak ko.

“Maraming salamat sa inyong mga totoong nag mamahal kay paul at sa amin.”

Naglabas ng ilang photos si Barbie sa social media na may caption na: “No to physical abuse. NEVER AGAIN.”

Sa mga photos, makikita ang pasaang dibdib ni Barbie at may mga kalmot niya sa kanyang mga braso.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s