Alden, hindi pa rin nakaligtas sa mga nagba-body shame kahit todo workout at training

ni: Ruel J. Mendoza

KAHIT na marami ang pumupuri sa bortang katawan ngayon ni Pambansang Bae Alden Richards, hindi pa rin daw nawawala ang mga nagba-body shame sa kanya.

Nagpaganda nang husto si Alden para sa title role sa telefantasya na Victor Magtanggol sa GMA-7.    Dumaan siya sa matinding workout at training para maging credible siya sa pagganap niya bilang Pinoy superhero.

“Healthy naman ako at fit, kaya lang on TV, times 25 ang nakikita.

“Kailangan ng extra adjustment pa kasi siyempre we’re more visual.

“It’s more of the TV that they see, not the person so adjust tayo doon.

“I don’t really mind kasi kung saan ako kumportable sa katawan ko, doon ako.

ALDEN9

“Hindi naman ako papuntang body builder if that’s what they want me to do. I don’t really mind comments about my weight anymore,” diin ni Alden.

Nakasanayan na raw ni Alden ang mga pintas sa kanya. Lalo na ngayon ay magbibida siya sa isang TV series, tiyak daw na marami na ulit ang babatikos sa kanya on social media.

“People who say those kinds of stuff to you, they are projecting ‘yung insecurity nila towards you.

“Sila sa sarili nila, they’re insecure.

“Madaling sabihin kasi na huwag pansinin, pero you really have to find your core to be able to endure those kinds of comments kasi hindi madali eh.

“It’s not easy but it’s tolerable. Kaya mo namang i-train ‘yung feelings mo to not feel hurt when you hear those kinds of comments,” pagtatapos pa ni Alden.

One thought on “Alden, hindi pa rin nakaligtas sa mga nagba-body shame kahit todo workout at training

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s