Sangkaterbang fans ni Alden, dapat nang iparamdam ang pagsuporta sa ‘Victor Magtanggol’

Ni:  Rose Garcia

SA Lunes, July 30 na ang pilot episode ng pagbabalik primetime series ni Alden Richards sa GMA-7, ang Victor Magtanggol. 

At habang papalapit ito, tila mas lalong nabi-build-up ang excitement sa kung ano nga ba ang matutunghayan at mapapanood na bago sa family drama/action/fantasy series na ito ni Alden.

Ang isa sa masasabi namin, sa tagal rin ni Alden na hindi gumawa ng solo serye, naniniwala kaming napaka-espesyal ng Victor Magtanggol para ito ang mapiling comeback niya at si Alden mismo, kung paano niya ibuhos ang lahat ng effort at best niya rito.

Kung may isang ipagmamalaki ang Victor Magtanggol ay kuwento ito ng Pinoy, masasalamin din ang pamilyang Filipino at hindi mawawala ang formula na pambata.  Kaya tamang-tama rin ang time-slot ng Victor Magtanggol pagkatapos ng 24 Oras bilang gising pa ang halos lahat, lalo na ang mga bata.

alden-vm2

Karamihan ng nababasa namin, hindi raw ba kinakabahan si Alden dahil ang tatapatan nito ay ang ilang taon na subok na sa taas ng ratings, sa aming palagay, more than the ratings, mas tutok si Alden at ang Kapuso network na makapagbigay ng isang de-kalidad na serye na puwedeng abangan ng mga manonood, lalo na ng mga Kapuso.

Bago rin ang putaheng inihahain ng GMA-7 sa mga Kapuso stars na makakasama ni Alden sa V.M.  Bukod sa dalawang leading ladies na sina Andrea Torres at Janine Gutierrez, nandiyan ang pagbabalik Kapuso ng aktres na si Coney Reyes at ang bagong Kapuso na si John Estrada. Mukhang kagigiliwan din ang batang si Yuan Francisco bilang sidekick ni Alden.

One week to go nag-post si Alden ng picture niya na naka-costume ng Victor Magtanggol. Halatang excited na ito na maipakita ang pinaghihirapang serye.

At tingin namin, sa sangkaterbang nagsasabing fans o supporters sila ni Alden, higit kailanman, simula sa Lunes ang pinaka-magandang pagkakataon na iparamdam ang suporta sa isa sa mga Kapuso stars na hindi napagbabago ng tagumpay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s