Rochelle, inalala ang mga panahong binabaha; IG post maraming naka-relate

BY:  Rose Garcia

LAKING Malabon si Rochelle Pangilinan.

At dahil sa halos mahigit isang linggo na walang tigil ang pag-ulan at talagang nag-cause ng baha sa napakaraming lugar sa iba’t-ibang parte ng Luzon, napa-senti o napa-throwback si Rochelle sa mga panahong sa Malabon pa siya nakatira at ang pamilya niya.

Alam naman ng lahat kung gaano kabahain ang Malabon.  Pero sa kabila ng hirap na dulot ng baha, ang positibo ng IG post ni Rochelle.

Inalala niya ang mga panahong binabaha sila at gumigising ng madaling-araw para mag-akyat ng gamit.  Kung paano dahil bata siya, nag-e-enjoy pa raw siya at feeling swimming pool lang ang minsan lagpas ulong baha raw sa kanila.

View this post on Instagram

May kwento ako ☺️bilang maulan naman…. Nung bata ako,kapag baha sa Dampalit madaling araw pa lang gising na kmi (kadalasan kasi mataas ang baha minsan lagpas ulo),alam namin kung gaano kabilis umaakyat ang tubig baha at kung kailangan na bang itaas ang mga gamit etc. minsan nga nagising ako kapantay na ng baha ang papag na tinutulugan ko 🙂 ganun pa man,bilang bata masaya ako kapag baha,walang pasok 😬 at makakapaglaro ako kasama ang mga kaibigan,makakapagswimming kami (malinis pa ang tubig baha dati 😬 ngayon green na 😅) at higit sa lahat may ulam kami agad,kasi maraming isda dyan sa baha galing sa mga palaisdaan,kaya naglalabas na din kami ng lambat para makahuli ng pangulam… Haaayst…ang sarap talagang maging bata. 😍

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) on

Sey niya, “May kwento ako bilang maulan naman…. “Nung bata ako, kapag baha sa Dampalit madaling araw pa lang gising na kmi (kadalasan kasi mataas ang baha minsan lagpas ulo), alam namin kung gaano kabilis umaakyat ang tubig baha at kung kailangan na bang itaas ang mga gamit etc.

“Minsan nga nagising ako kapantay na ng baha ang papag na tinutulugan ko ganun pa man, bilang bata masaya ako kapag baha, walang pasok at makakapaglaro ako kasama ang mga kaibigan, makakapag-swimming kami (malinis pa ang tubig baha dati ngayon green na) at higit sa lahat may ulam kami agad, kasi maraming isda dyan sa baha galing sa mga palaisdaan, kaya naglalabas na din kami ng lambat para makahuli ng pangulam…

“Haaayst… ang sarap talagang maging bata.”

Ang daming netizen na naka-relate sa post ni Rochelle. Siyempre, karamihan sa mga ito ay mga laking Malabon din.  At pinuri rin ang Kapuso star sa pagsasabing, down-to-earth daw itong talaga.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s