Pagsayaw ni Coney ng “Bhoom Bhoom” kasama ang cast ng ‘Victor Magtanggol’, ikinagulat ni Councilor Vico

Ni: Nora V. Calderon

NAKAKATUWA si Pasig City Councilor Vico Sotto nang makita ang mommy niyang si Coney Reyes na sumasayaw ng number one dance craze ngayon na “Bhoom Bhoom” ng Momoland.

Post ni Coun. Vico, “why is Mama doing d Bhoom Bhoom? MOMOLAND goes MAMALAND.  Wow wow! #Victor Magtanggol.”

Kuha ang pagsayaw ni Ms. Coney Reyes habang naghihintay ang buong cast ng pictorial  ng kanilang action-drama-fantasy na Victor Magtanggol.     Nagkatuwaan ng cast na sumayaw ng “Bhoom Bhoom” sa tune ng “Superhero Mo,” ang official soundtrack ng telefantasya, na inawit ni Alden Richards kasama ang Ex-Batallion.

Pinangunahan ni Alden ang pagsayaw, then si Coney nga, ang child star na si Yuan Francisco, Chynna Ortaleza, si Eric Quizon, Andrea Torres, Maritoni Fernandez, Kristoffer Martin, Lindsay de Vera, Reese Tuazon at Pancho Magno.

Umabot na ito ng libu-libong likes and shares.

Ang Victor Magtanggol ay mapapanood na simula sa July 30, 2018, sa GMA Telebabad.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s