Roderick, hiyang-hiya na ‘di nakilala ang unit director ng ‘Ang Probinsyano’

Ni: Ricky Calderon

BAGONG addition sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano si QC Councilor Roderick Paulate.

And take note, ang role niya ay Vice Mayor.

Sa isang chikahan namin with Kuya Dick, binanggit niya na matagal na siyang inaalok ng Dreamscape na mag-guest sa top-rating program ni Coco Martin.

Pero dahil recess naman ang City Council kaya pwede niyang tanggapin ang offer. Magaan pati ang taping kasi on call siya kaya pwede pa rin niyang gawin ang ibang trabaho niya or meeting bago sumabak sa taping.

Si Enzo Williams ang director ng unit niya sa Ang Probinsyano. May nakatatawang kwento si Kuya Dick about his director. Noon daw unang araw niya sa taping ay dumating siya sa set at binati niya ang isang lalaki.

Sabi niya raw rito, “You look familiar. Siguro friend kita sa Facebook.”

enzo williams

Ngumiti naman daw ang lalaki sa kanya. Tapos ay naki-join na siya sa ibang members ng cast. Nalaman na lang niya later na yung lalaking binati ay ang kanilang director.

“Hiyang-hiya ako kaya I said sorry to him kasi di ko nalaman agad na siya pala ang director. Pero I know that he is my friend in FB kasi I just recently added him. Pero nag-sorry naman ako sa kanya,” pahayag ni Kuya Dick.

Enjoy si Kuya Dick sa taping dahil magaan ang trabaho at maaga silang natatapos. May cut-off siya ng 12 midnight pero willing naman siya mag-stay up to 2 a.m. kung sakaling kailangan pa siya sa eksena.

“Mabilis sila magtrabaho. Hanga ako kasi may iba’t-ibang unit na nagtratrabaho para buuin ang show,” wika pa niya.

Hoping si Kuya Dick na ma-extend ang pag-guest niya sa Ang Probinsyano, kahit up to end of September.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s