Kakai, itinanggi na pinagdudahan ang pagkalalaki ni Aaron

Ni: Rohn Romulo

ITINANGGI ni Kakai Bautista na isa siya sa nagduda ang pagkalalaki ni Aaron Villena na katambal niya ngayon sa movie na Harry & Patty na hatid ng CineKo at iri-release ng Star Cinema.

Sigurado raw na lalaking-lalaki si Aaron. Nalagyan lang daw ng malisya ang kanyang nasabi noong nagkaroon sila ng sagutan ni Aaron.

“From the very start, alam ko kasi yung nakaraan niya. Alam ko yung background ng family,” pahayaG pa niya.

Never daw niyang binanggit ang salitang ‘gay’ si Aaron.

“Kumbaga, iyon ang ibig kong sabihin. And I never said that word ‘gay.’”

Dinagdagan lang ng isang nagsulat yun sinabi niya, buti na lang at nagkaayos sila ni Aaron at heto nga’t magkasama na sila sa movie na mapapanood na sa August 1.

Samantala, may nakakatawang ng kuwento Ahron, napagkamalang nanay niya si Kakai ng isang Japanese immigration officer, noon mag-tour sila sa Japan.

“Dun talaga nag-start and from there, yung friendship namin, tumagal nang tumagal,” pag-amin ng aktor.

“Hanggang sa dumating sa point na yung mga taong malisyoso, yung mga taong iba ang iniisip, nagkaroon kami ng gap.”

ahron-kakai

Sinabi rin ng aktor na nagkaroon lang daw ng malisya dahil sa mga taong nakisawsaw, pero sa pagitan ng dalawa ay wala raw malisya.

“‘Yung ibang tao. Yung mga sumawsaw na.Tapos, may mga pictures kami sa Instagram, mga unplanned na parang, ‘O tara, picture tayong dalawa.’ Tapos yung mga tao ang nagbibigay ng meaning.”

Inamin naman ni Aaron na isa raw sa mga nagustuhan ng aktor sa Dental Diva ay ang magandang tinig nito, bukod pa sa pagiging mabait

“At isa sa gusto ko sa kanya, yung boses niya. Sabi ko nga, ‘yung iba baka akala komedyante lang siya. Pero kapag kumanta si Kakai Bautista, pipikit na lang ang kinakantahan. Parang, ‘wow, ang ganda ng boses nito!”

Hindi na Raw siya tumitingin sa panlabas na anyo pagdating sa pagpili ng mamahalin sa buhay.

“As long as nakikita ko na may mabuting puso ang tao. Mahirap kasi, sasabihan na naman na hayan, nagsalita na naman si Ahron ng ganyan, pa-fall na naman. Hindi, e.     “Pero ako, naniniwala na ang love naman, hindi mo naman mahahanap kung maganda ka, kung hindi. Basta nakikita mo na yung taong kaharap mo at kasama mo, e, mabuti sa iyo, marunong makiharap.”

Ang importante raw sa nyayon ay, “nag-e-enjoy ako na after what happened sa amin two years ago, naging okey kami. Hindi planado, unang-una. Masaya kami, lumalabas kami, kumbaga, nag-start kaming lahat na ganito, I’ll never know.”

harry & patty2

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s