Jon, matapang na inamin na nagpakasal at may baby boy na

Ni: Rose Garcia

MATAPANG. Honest.

Ito ang dalawang katangian na hinangaan namin sa miyembro ng Hashtag na si Jon Lucas dahil sa pag-amin niya na siya ay isa ng married man at may walong buwang anak na.

Yes, may baby boy na si Jon at ikinasal daw siya sa 2-years girlfriend niya na non-showbiz noong October 2017.  Alam daw ng management niya, ang Star Magic ang naging desisyon na magpakasal.

Talagang itong path na ito ang pinili niya dahil una sa lahat, ayaw raw niyang magtago sa kasinungalingan.

dla-jon

Sabi nga ni Jon, “Biyaya ‘yun e, bakit ko itatago? Proud ako sa wife ko at sa anak namin.  At masaya ako na alam ko, ginawa ko ang tama.”

Alam daw niya at marami ang nagsabi sa kanya ng consequence ng magiging pag-amin niya sa kanyang career. Pero handa raw siyang harapin ito.

Positibo sa amin ang naging pag-amin ni Jon na 22-year old pa lamang at 25 year old naman ang misis niya. Sa ngayon, sa bahay lang daw ito at siyang nag-aalaga sa anak nila habang siya ang nagta-trabaho.

Ginawa ni Jon ang pag-amin sa ginanap na press conference ng pelikula niya, ang romance-drama film na Dito Lang Ako kunsaan, sila ni Michelle Vito ang mga bida at gumaganap na young Boots Anson-Roa at Freddie Webb.  Kasama rin nila bilang ka-triangle si Akihiro Blanco.

Ang producer ng Dito Lang Ako kunsaan, bago napili ay dumaan muna sa audition sina Michelle at Jon ay ang BLADE Entertainment, a Philippine-based multimedia arm of Blade Asia, Inc.

Ang Blade Entertainment ay involved sa production at distribution ng mga pelikula.

At ang Dito Lang Ako ang kanilang first full-length film na ipalalabas sa August 8.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s