Anne, kinaiinggitan na naman ng mga Korean drama at K-pop addicts

Ni:  Rose Garcia

HAYAN, kinaiinggitan na naman si Anne Curtis ng mga Korean drama at K-pop addicts.

Kaya ang mga tanong kay Anne, “How to be you po?” or “K-fan goal!”

Paano, nag-tweet si Anne na kasalukuyang nasa South Korea ngayon para sa Asian premiere ng pelikula niyang BuyBust sa Bucheon International Fantastic Film Festival (BIFAN).

Kilala sa bansa si Anne na certified K-drama addict at ilan sa mga Korean drama ang talagang pinanood niya, yung ibang mga fan meetings, pinupuntahan niya.

Eh, nag-tweet si Anne na nakita raw niya ang isa sa paborito niyang Korean actress. Na it’s either may entry rin na movie sa Bucheon o special guest ito.  Hindi naman ni-reveal ni Anne kung sino ang South Korean actress na nakita niya.

Ang sabi niya lang, “Met one of my fave k drama actresses last night. Had to fight so hard to be cool and super chill! And definitely no pictures to respect her privacy. Hahahaha! I’ve learned to appreciate my own fans so much more with moments like this.”

anne-buybust_push

Siyempre, kinukulit si Anne ng mga fans, lalo na ang mga tulad niyang K-drama addicts kung sino ang nakita niya. Na sabihin na raw nito, i-reveal na.

Ang iniisip ng karamihan, kung ang Korean actress daw ba ito na si Gong Hyo Jin ng It’s Okay, That’s Love or ang si Song Hye Kyo ng Descendants of the Sun.  Pero ang huli, wala namang pelikula ngayon.

Iniisip naman namin, posible kayang si Han Hyo Joo ito na may pelikula ngayon, ang Illang. Pero wala naman kaming makitang link pa kung kasama sa festival ang pelikula ng South Korean actress.

Siguradong hindi tatantanan si Anne ng mga fans sa kakatanong kung sino nga ang nakita nito na nagawang makapagtimpi na hindi magpa-picture.

Bongga si Anne talaga ngayon dahil galing sa New York Asian Film Festival kunsaan, umani ng papuri ang pelikulang BuyBust at maging si Anne bilang aktres.  Heto’s nasa South Korea naman siya.

Pero siyempre, ang isa sa pinaka-aabangan ay ang Philippines premiere ng BuyBust sa August 1.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s