Alexander, balik-Pinas at gustong makagawa uli ng teleserye; happy na nakasama si Maine at Barbie

Ni: Nora V. Calderon

NAKA-YELLOW color hair, mukha pang bagets si Korean actor Alexander Lee nang na-meet muli ng media  sa launch niya ng new single na “Keep Ya Head Up”  kaysa sa una niyang character ang seryosong si Jun Ho, sa first romantic comedy series na My Korean Jagiya katambal si Heart Evangelista. 

Matapos bumalik ni Xander ng Korea after ng serye, nag-record na siya ng album at bumalik siya rito para i-launch ang kanyang single na he collaborated with another Korean singer, si Marucci (Alexander X Marucci).

Sa mediacon, sinabi ni Xander na ang song nila will cheer up a person and will give him comfort.  This time gusto naman niyang ipakita sa mga Pinoy fans niya kung paano siya bilang isang singer/performer.

Nag-sample sila ni Marucci ng first single nila at ilan pang songs, with their guest, GMA’s recording artist Rita Daniela.  In fairness, maraming fans na dumating sa KPub restaurant, at isa rito ang K-pop addict na si Thea Tolentino.

Sa interview kay Xander, sinabi niyang gusto niyang muling makagawa ng isang teleserye at mag-guest sa ibang shows ng GMA.

Maine & Xander Korean costume

May two-episodes siyang ginawa with Maine Mendoza sa Daig Kayo Ng Lola Ko na ang isa ay napanood na last Sunday, July 15.  Part two sa Sunday, July 22, at mukhang may Korean wedding dahil naka-costume si Maine.

Na-excite din si Xander nang pumunta siya ng Cebu last Wednesday dahil doon siya nag-taping as guest ni Barbie Forteza sa romantic-comedy series nito, ang Inday Will Always Love You ng GMA News & Public Affairs.

Pwede nang ma-download ang “Keep Ya Head Up” sa Melon, iTunes, Spotify, Mnet at iba pang leading music sites worldwide.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s