Bea, ‘di sinasara ang possibility na puwedeng magpaka-daring sa ‘Kapag Nahati Ang Puso’

Ni: Ruel J. Mendoza

HINDI naman daw sinasara ni Bea Binene ang possibility na puwede na siyang gumawa ng mga daring scenes sa kanyang bagong teleserye na Kapag Nahati Ang Puso.

“Hindi naman po puwedeng forever kang pa-tweetums, kailangan talaga nag-e-evolve ‘yung mga roles mo.

“That’s why I’m thankful, at the same time I’m very willing to take on this challenge, siyempre gusto ko rin ng iba po para sa mga viewers and I hope ma-portray ko po siya ng maayos, because it’s challenging.

“Ang pagiging mature naman or ang pag-e-evolve hindi lang naman porket may bed scene ka. It’s team work, it’s with the story, with everyone.

“I think magtutulong po ‘yun. Hindi ko pa po alam kasi hindi pa po namin nababasa ‘yung script kung hanggang saan,” sey ni Bea.

Bea Binene 2

Sa tagal na rin ni Bea sa pag-arte sa TV, hindi pa rin daw siya tumitigil na mapag-aralan pa ang maraming bagay tungkol sa acting.

Kapag may workshop ay sinisiguro ni Bea na may matututunan siyang bago.

“Marami po akong ginawang preparations for the show.

“Nakipag-workshop ako with David (Licauco) and then siyempre nag-aral po talaga sa script.

“Hinimay himay namin ‘yung bawat characters with Direk Gil (Tejada).

“Pero with the guidance naman po of Direk Gil, alam ko naman po na hindi kami pababayaan,” pagtatapos pa ni Bea Binene.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s