Sen. Manny, itinangging mamimigay ng mga premyo bilang balato; fake news ang pa-contest

Ni: Rohn Romulo

NAGPADALA ng email ang GMA-7 para iparating ang statement ni Sen. Manny Pacquiao tungkol sa fake news na kumakalat sa social media.

Ayon kay Sen. Manny na nagwagi sa laban niya kay Lucas Matthysse noong Linggo, July 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia, “Nakarating sa aking kaalaman na may mga kumakalat na balita sa social media na ako ay mamimigay ng mga premyo bilang balato dahil sa aking pagkaka panalo.

“Nais ko pong ipaalam sa lahat na walang katotohanan ang mga ito. Fake news po ang contest na ito kaya’t huwag po kayong maniniwala at magpapaloko sa maling balita.  Salamat po.”

Manny-Pacquiao-v-Lucas-Matthysse

At dahil nga sa pagkapanalo ni Sen. Manny, hindi pa siya magre-retiro sa boxing at posibleng two to three fights pa, bago siya magpahinga at maging pulitiko na lang.

Ayon sa kanyang interview, posibleng magkaroon pa ng isang laban bago matapos ang taon, kailangan daw niyang magpahinga ng apat na buwan para maka-recover at puwede na siyang makipagbakbakan muli sa mapipiling boksingero sa huling linggo ng November o first week ng December, and hopefully, sa ating bansa naman maganap ang labanan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s