Kris, inaming disappointed sa kinita ng movie sa first two days; pero posible pang ma-reach ang P100-M mark

Ni: Rohn Romulo

LAST July 15, may mahabang instagram post si Kris Aquino habang siya ay nasa Hong Kong patungkol sa I Love You, Hater na pinagbibidahan niya kasama sina Joshua Garcia at Julia Barretto na palabas pa rin sa maraming sinehan nationwide.

Sa kanyang IG post:  “Warning Mahaba: hindi po ako humingi ng favors for “ i love you hater” because at this point- ayokong ilagay ang tinuturing kong KONTI pero totoong kaibigan sa alanganin. #satruelang i was disappointed sa 1st 2 days kasi ‘di nakakahiya yung finished product & i gave all to #Sasha. Mostly ayokong sirain ang box office track record ng #joshlia.

“Then Friday, 1 by 1 nag send ng pics through iMessage & Viber lahat ng kusang nanuod, mga barkada at pamilyang sabay2 nagbayad at nanuod. Then today habang binabantayan si kuya- may friend akong simpleng nagsabi na may pa block screening sya next week; may kaibigan na nanlibre ng staff of 20 para bonding nila, may mayor na pina happy ang constituents nya, may friends na umuwing Nueva Ecija & 18 silang nanuod, companies na nagpa abot regarding how many tickets they reserved for their employees. A designer friend said treat nya lahat ng workers nya to watch tomorrow, a PR company KCAP works with reserved 4 block screenings. 2 big bosses messaged last night to say they made time to watch. More friends & companies bought block screenings but their marketing bosses watched today w/their families.

kris-40-million

“Tapos dito ko naluha – 1 exceptional true friend simply messaged me- she bought 20 block screenings for her workers & their families in SM Cinemas next week… Di ako makapag SHARE ng lahat ng PAIN na tinago ko mula July 6 hanggang ngayon – dahil hindi lahat ng battles i fight you need to know (this time not for the Aquino name but for simply my name & copyrighted/trademarked signature KRIS) itinago dahil pinromise kay God at sa mga lawyers na shut up muna ako… Pero sa lahat ng nag-paramdam na nasaan man ako nakatayo- my whole HEART says THANK YOU for making me feel #loved. (Lastly publicly nag so-sorry ako sa core group ng fans ko- the #KrisyGirls. Hard earned money yung pinang block screening nila nung Thu 3 PM pero 160/105 ang BP ko- palipad nung gabi. Marami akong nabasang = statements sa group chat namin- ibang paratang tagos sa buto yung sakit. Nagpunta si kuya & bimb pero wala ako. Nanay ako kaya nag delete ng mesenger kasi panahon na lang ang makaka solve ng mutual pain namin.)”

Marami naman ang magagandang comments na natanggap sa post na ito ni Kris, may nagtanong pa nga kung magkano magpa-block screening.

Marami rin ang naghihintay sa ibang bansa na mapanood ang I Love You, Hater, dahil excited sila na makita kung gaano kaganda ang movie na dinirek ni Giselle Andres na Graded B ng Cinema Evalaution Board na kumita na ng P40 million sa loob ng limang araw.

Inaasahan na this week ay  mari-reach na nito ang P100 million mark sa rami ng mga block screenings.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s