Kakai, inamin na ‘na-fall’ talaga siya kay Ahron pero hindi ginamit

Ni:  Rose Garcia

INAMIN ni Kakai Bautista na “na-fall” siya kay Ahron Villena.

Ito yung mga panahong nali-link silang dalawa at naging controversial talaga.  Naba-bash si Ahron na “pa-fall” naman daw kasi ito pero yun nga, kapag na-isyu na, biglang kambiyo at magde-deny.

Parehong aminado na nagkaroon ng period na hindi talaga sila nag-uusap. Tumagal din daw siguro yun ng mahigit isang taon hanggang sa maging okey na silang muli at ngayon, heto at bida pa sila sa pelikula ng CineKo Productions na Harry & Patty na makikipagtapatan sa pelikula ni Anne Curtis na BuyBust naman sa August 1.

ahron-kakai1

Inamin ni Kakai na yun nga, na-fall daw siyang talaga. Pero sanay na raw siya na tila pinapa-fall.

“Oo naman, sanay naman na kong masabihang ambisyosa, ilusyunada. Ano pa ba ang hindi nasabi sa akin ng mga tao? Asyumera? Pero, ano ba talaga ang alam nila? Wala naman silang totoong alam sa totoong nangyari.”

Eh, sa kuwento ni Kakai, may dahilan naman nga kung bakit ito mapo-fall kay Ahron, mabait naman daw kasi ito at matindi raw talaga ang topak niya.

Pero, araw-araw raw siyang pinagpapasensiyahan, inalagaan siya, sinusundo siya sa bahay at hinahatid.

harry & patty

Itinanggi ni Kakai na ginamit lang siya ni Ahron.

Hirit niya, “In fairness to him, hindi. Eh, sana nga ginamit na lang, ‘di ba? Ha ha ha!”

At yung lahat daw ng biyahe nila, hindi raw totoong siya lang ang gumagastos. Hati raw sila sa mga gastos nila. Unang-una, hindi naman daw siya nanay o matrona.

Sa ngayon daw, mas kilala pa nila ang isa’t-isa at mas kaya nilang i-handle ang ugali nila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s