Jennylyn, itinanggi at tinawanan lang ang tsikang nabuntis ni Dennis

Ni: Nora V. Calderon 

ITINANGGI na ni Jennylyn Mercado ang balitang preggy raw siya kay Dennis Trillo.

Tinawanan na lamang ito ng maganda at mahusay na bida ng epidemic serye na The Cure na nasa huling dalawang linggo na lamang. Fake news nga ang kumalat na iyon dahil halos gabi-gabi napapanood si Jennylyn na nakikipaglaban sa mga eksena ng serye, sa mga infected na dapat nilang labanan para hindi sila makagat ng mga ito at maging infected din sila.

“Hayaan na ninyo sila, sanay na ako na mabalita iyon, pang-sampu na yata ngayon,” nagbibiro pang sagot ni Jennylyn.

jen den

“Marami pa po akong trabaho, kahit magtatapos na kami rito, marami pa ring mga maaaksyong eksena kaming kukunan hanggang sa final week.  At magsisimula na rin po akong mag-shooting nga bago kong movie para sa coming Metro Manila Film Festival sa December, ang Girl In the Orange Dressna magbabalik-tambalan kami ni Jericho Rosales at muli ko namang makakasama si Tom Rodriguez, plus sina Jessy Mendiola at Sam Milby. 

“No problem po sa akin  kung second choice lamang ako, dahil hindi ito itinuloy gawin ni Kim Chiu, na siyang first choice ng Quantum Films at MJM Productions.  Si Jay Abello ang director namin.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s