Donalyn, puwedeng kainsekyuran ng ibang VIVA artists tulad ni Ella

Ni: Rose Garcia

NGAYONG araw na ito, July 18 ang showing ng VIVA’s movie na Jacqueline Comes Home na dinirek ng anak ni Direk Carlo J. Caparas na si Ysabelle Peach.

Kagabi ang premiere night sa SM Megamall. Sensational ang kuwento ng Jacqueline Comes Homes dahil hango ito sa malagim na sinapit ng Chiong sisters sa Cebu noong 1997.

Kinidnap, ni-rape at pinatay. Ipinakita rin sa pelikula ang napakahirap na pinagdaanan ng pamilya during their ordeal laban sa mga perpetrators.

meg-imperial-ig

Pinagbibidahan ito nina Meg Imperial at Donalyn Bartolome. Nai-intriga nga si Donalyn dahil magkakasunod ang pelikulang ginawa niya na ipinalabas.

Puwede na raw siyang kainsekyuran ng ibang ViVA artists tulad ni Ella Cruz.

Halatang hiyang-hiya naman si Donalyn at nagkataon lang daw na ipinalabas lahat ngayon ang mga nagawa na niya.

Tulad ng Cry No Fear, mabigat din ang Jacqueline Comes Home (The Chiong Story).

First rape scene niya ang mapapanood sa pelikula at ayon sa aktres, hindi naman daw siya nahirapan sa naturang eksena at sa umpisa pa lang ay tinanong na raw siya ng direktor gayundin ni Ryan Eigenmann na gumanap na isa sa mga rapist.

“I told them na wala naman pong limitation. I just want na maganda po ‘yung kalabasan ng film. Kasi pag lalo mo nililimitahan, parang lalo mong hindi magiging totoo po.

“Ang mas masakit daw para sa kanya sa eksenang ‘yun ay ‘yung naiisip niya ang sakit na dinanas sa totoong buhay ng karakter niyang si Marijoy Chiong.

“Yung rape scene po, ang mas naaalala ko sa kanya is ‘yung how painful it was for me to act it, kasi nun’g sumisigaw po ako during the take, parang napi-feel ko talaga na grabe, ganito ang ginawa sa kanila, ganito ‘yung ginawa sa akin sa karakter ko dito. Kasi, babae po ako, kung sa akin po mangyari ‘yun, sobrang sakit po.

“‘Yung parang hindi mo ma-imagine, kasi job ko po to imagine it and to reenact it. So, that’s what I did.”

Pero kahit natapos na raw ang take at nag-cut na si direk ay umiiyak pa rin siya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s