Bashers ni Jasmine, natameme dahil sa ‘Pamilya Roces’ isinama at ‘di sa ‘Victor Magtanggol’

Ni:  Nora V. Calderon

MATAGAL nang nag-decide si Direk Joel Lamangan na iwanan na ang pagdidirek ng mga teleserye dahil mas gusto niyang magdirek na lamang ng movie dahil madali lamang itong matapos.

Nagdirek na rin siya ng mga musical stage plays, ang huli, ang Binondo: A Tsinoy Musical.

Kaya nakakagulat na biglang may project siyang gagawin at balik-GMA na rin siya sa pamamagitan ng Pamilya Roces na mukhang isang family drama.

Ano kaya ang nakita niya sa proyektong ito at nabago ang pananaw ni Direk Joel na balikan ang pagdidirek ng teleserye?

Pamilya Roces cast

Ang cast kaya?  Mukhang pinagsama-sama kasi ng GMA ang mga beauty queens at mahuhusay na actress na mga pangalan daw ng bulaklak ang mga characters na gagampanan nila.

Balik-GMA din si Ms. Gloria Diaz, ang kauna-unahang Miss Universe ng Pilipinas, naroon din si Ms. Elizabeth Oropesa na dating Miss Luzon sa isang beauty pageant at si Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Ssen (Winwyn) Marquez. 

Kasama rin ang mga mahuhusay na actress na sina Snooky Serna, Carla Abellana, Gabbi Garcia, Shaira Diaz, Mika dela Cruz at ang mga bagong Kapuso actresses Jasmine Curtis Smith, at Michelle Dee (daughter of Miss International Melanie Marquez).

Tatlo pa lamang ang actors na kasama sa cast, sina Rocco Nacino, Christian Bautista at Roi Vinzon.

Wala pang ibang details na ibinigay ang GMA after ng story conference nila.

Nagpasalamat naman si Jasmine sa first project niya sa GMA: “Thank you GMA Network. Looking forward to working on my first project with you all.” 

Tiyak na matatahimik na ang mga bashers ni Jasmine dahil akala nila ay totoo ang kumalat na balita na si Jasmine ang magiging leading lady ni Alden Richards sa Victor Magtanggol.    Itinanggi na rin ito ni Jasmine, pero ang mga bashers, hindi tumigil.  Ngayon, na-fake news sila kaya tameme na lamang sila ngayon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s