Arjo, siguradong manggugulat sa ‘BuyBust’; Maricel, bilib na bilib sa galing niya

Ni: Rohn Romulo

NAGULAT pala si Arjo Atayde na in-offer sa kanya ang role ni Direk Erik Matti                 sa BuyBust na pinagbibidahan ni Anne Curtis, na hindi talaga puwedeng sabihin hanggang ngayon kung ano role niya na kahit sa trailer na ‘di siya isinama.

Ang nasabi na lang ni Arjo, “sobrang challenging ang role ko, ito na talaga ang pinaka-challenging.

“Iba kasi doon sa ginawa ko sa ‘Ang Probinsyano’, different kasi ang teleserye sa movie, acting pa lang, iba na. Actually, this is the first legitimate movie na part na talaga ako. 

“Nag-cameo lang namaN ako sa ‘Ang Panday’. 

“So, ito ang kino-consider ko na first movie ko and thankful ako sa Reality Films that they gave a chance to be part of the movie with Anne and Brandon Vera and a lot of great and brillant actors.”

Sa ngayon ay nakapag-world premiere na ang BuyBust at tiyak na maglalabasan ang mga reviews. Samantalang sa July 23 pa ito magkakaroon premiere night.

Pero tiyak na manggulat si Arjo sa kanyang role na hindi talaga puwedeng banggitin, may nagsabi na may hint daw na makikita sa dalawang posters na nilabas at kayo na ang bahalang maghanap.

Anyway, ibinalita rin ni Arjo na after ng showing ng BuyBust sa August 1 na released ng Viva Films, may gagawin uli siya sa Reality Films at i-announce sa premiere night kung ano ito.

Tungkol naman sa kanyang teleserye na kinabibilangan, mukhang mauudlot pa ang airing ang The General’s Daughter na kung saan gaganap siya bilang anak ni Maricel Soriano, na hangang-hanga sa kanyang kahusayan. Ayon sa pahayag ng Diamond Star, sa kanyang 47 years sa showbiz, ngayon lang siya nakatagpo ng baguhang sobrang galing sa pag-arte, kaya kaabang-abang kung ano naman ang atake na ginawa ni Arjo na sobrang nagpabilib kay Maria.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s