Aktor na si Jcee Martin, gusto magbalik showbiz; Makakatanggap ng parangal mula sa GAMA

Ni: Throy Catan

Naaalala mo ba si Jcee Martin? Isa siya sa kilalang aktor noong late 2000’s. Ngayon, kilala na siya bilang isang bigatin na Branch Manager sa isang kilalang insurance company.

Si Jcee, o mas kilala sa tunay na pangalan na Randy Prince Panotes, ay may ilalabas siyang libro na may pamagat na The Prince-surance Agent (A Tale of an Ordinary Person Saving Lives). Ang libro ay hango sa kanyang buhay at kung paano niya napasok ang mundo ng financial business. Malalaman din sa libro na ito kung paano mag-invest. Ang nagsulat ng libro ay sina Armand Joseph Villanueva at John Carl Arsenal. Available ang nasabing libro sa darating na Nobyembre.

Si Jcee Martin ay kasalukuyang nagta-trabaho sa sikat na insurance company na Pru LIFE UK.  Isang taon na siyang Branch Manager sa Diamond Prince Branch, pero nagsimula muna siya bilang Financial Advisor tapos naging Unit Manager.

Bukas, makakatanggap siya ng parangal sa 23rd GAMA Leaders Convention bilang IMA Silver Awardee for Branch Manager Category na gaganapin sa Solaire Resort and Casino. Ang GAMA ay isang kilalang international award giving body related sa insurance, investment, and financial services industry.

37296735_1590538007723203_4653409207641440256_n

Nakausap namin Jcee at tinanong kung may plano ba siyang bumalik sa showbiz, “Of course, I miss showbiz. Na-miss ko ang mga katrabaho sa insdustriya, at gusto kong bumalik sa pag-arte katulad ng dati.” Ang sagot niya.

Maliban sa kanyang trabaho sa PruLIFE at ang kanyang libro, imbitado siya sa marami events. This September 1, Isa si Jcee sa mga judge at sponsors ng male pageant na Ultimate Man of the Earth Philippines.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s