Phenomenal love team nina Alden at Maine, tatlong taon na at ‘di pa natitibag

Ni: Nora V. Calderon

THIRD anniversary na ng phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza ngayong Monday, July 16, 2018 and for the last three years, wala pa ring makatibag sa popularity ng kanilang love team na nagsimula noong July 16, 2015, nang una silang nagkita sa kalyeserye ng Eat Bulaga. 

Si Alden ay nasa Broadway studio at si Maine ay nasa barangay as Yaya Dub, kasama ng mga lolas na sina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tidora (Paolo Ballesteros) at Lola Tinidora (Jose Manalo).

Alden-Maine-match-Eat-Bulaga

Doon nakita ang first smile ni Yaya Dub na masungit ang ipinakikita sa screen.  And the rest is history na para sa AlDub love team.  Kaya nga ba may nagsabing ang AlDub daw ang biggest nightmare ng isang network?

And to make their 3rd anniversary special, nakabalik na si Alden mula sa taping niya ng Victor Magtanggol abroad sa labis na kasiyahan ng AlDub Nation (ADN).  Nagkaroon sila ng special Holy Mass para kina Alden at Maine officiated by Fr. Jeff, ang father confessor ng dalawa.

aldub-15

Ano naman kaya ang special celebration na inihanda ng Eat Bulaga para sa ADN?

At si Maine pa rin ang itinuring na Queen ng Twitter dahil sa result na ni-release nila from January to June 2018, siya pa rin ang Top Female Celebrity.

Tinalo niya sina Maris Racal, Kathryn Bernardo, Maymay Entrata at Loisa Andalio na nasa number 2 to 5 slots lamang.

Si Alden naman ay nasa number 3 slot.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s