Dream nina Joshua at Julia na magka-teleserye, handa na at mala-‘Romeo and Juliet’

Ni: Jimi C. Escala

BOX office hits ang mga pelikulang pinagtambalan nina Julia Barretto at Joshua Garcia, kagaya ng Vince & Kath & James, Love you to the Stars and Back, Unexpectedly Yours at ngayon nga ay patuloy na pinipilahan sa mga sinehan ang pelikula nila with Kris Aquino na I Love You, Hater.

Patunay lamang ito na may box office appeal na ang tambalan nina Julia at Joshua. Pagdating sa telebisyon ay mataas din ang naitalang rating ng MMK episode na pinagsamahan ng dalawa.

Ngayon nga for the first time  ay magtatambal ang dalawa sa teleseryeng Ngayon at Kailanman. Kaya nga ngayon pa lang ay nagbubunyi na ang mga tagahanga ng JoshLia, huh!

“Sa totoo lang, eh, kinakaban talaga ako kasi siyempre hindi mo pa alam ang reaksiyon ng tao sa bago naming gagampanang role. Pero malaki ang tiwala naming dalawa ni Julia na Star Creatives na gumawa ng istorya,” sey pa ni Joshua.

joshlia

Ayon pa rin sa Kapamilyang young actor ay natutuwa raw siya sa magandang pag-aalaga sa kanila ng mga writers ng bagong serye.

“Napapansin talaga namin na sobra ang pag-aalaga ng mga writers sa role namin. Kumbaga, ‘yung ginawa naming pag-arte, talagang binusisi nila, kasi mahirap talaga. Lalo na sa akin, kasi hindi ako inglisero sa totoong buhay, napapa-English ako nila,” napatawang banggit pa rin ni Joshua.

Para naman sa isang Julia Barreto ay naniniwala ang aktres na malaki ang maitutulong ang gagawin nilang serye para sa career nilang pareho ni Joshua.

“I think, it’s been my dream for Joshua and I to do soap opera. I’m so happy na ang gagawin naming is a classic love story. Langit-lupa, forbidden love, parang ‘Romeo and Juliet’.

“I’m so excited, sobrang ibang-iba po ang character ko. This one is talagang complete 360, ibang-iba po talaga siya and same with Joshua. We are so excited na to do television,” hirit pa ni Julia.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s