Benjamin, ‘di naman magpapatalo kay Zoren kung pagandahan lang ng katawan

Ni: Ruel J. Mendoza

HINDI inakala ng Kapuso actor na si Benjamin Alves na makakalaban niya sa pagiging hunk sa teleserye na Kapag Nahati Ang Puso ay ang aktor na si Zoren Legaspi.

Bilib na bilib si Benjamin kay Zoren kung paano nito alagaan ang kanyang sarili at hindi raw nakakapagtaka na mabigyan ito ng maraming eksena na kailangan na shirtless ito.

“When I was reading the script, maraming mga shirtless scenes.

“Akala ko mga scenes ko iyon. Pero the scenes was for Nico which is Zoren’s character. My character’s name is Joaquin.

“I thought na pinagpalit na ‘yung name namin ni Zoren.

“When I asked about it, para pala talaga kay Zoren ‘yung mga shirtless scenes na iyon.

“I said ‘Wow! Gagawin itong lahat ni Zoren? Astig!’

“Sa totoo lang, Zoren is in great shape. He really worked hard to maintain that physique.

“I hope to still be physically fit when I reach that certain age in my life,” pahayag pa ni Benjamin.

Zoren Legaspi 1

Hindi rin naman magpapatalo si Benjamin kung pagandahan din lang ng katawan.

Bago magsimula sa taping ng teleserye, binago ni Benjamin ang kanyang diet at workout para sa kanyang gagampanan na character.

“Joaquin is a hard worker. Hindi siya mayaman and sanay siya sa kahit na anong mabibigay na trabaho.

“In the teleserye, I play a driver to Sunshine Cruz and at the same time, mekaniko ako dito.

“Kaya physically, batak na batak ang katawan niya.  So I went being lean but muscular. ‘Yung defined ang mga muscles niya sa katawan.

“Akala ko nga sumobra ang payat ko. But when I saw the scenes noong first taping day ko, okey naman pala. Bagay sa character ko,” diin ni Benjamin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s