Bea, na-challenge na magpapayat dahil sa kaseksihan ni Sunshine

Ni: Nora V. Calderon

FIRST mature role ni Bea Binene sa GMA 7, ang Kapag Nahati ang Puso. 

Ready na ba siya to play the role of Claire sa new morning family-drama na makikipag-agawan siya sa isang lalaki, sa kanya pa namang tunay na ina, na gagampanan ni Sunshine Cruz?

“First mature role ko nga po ito,” sagot ni Bea.

“Thankful po ako for the opportunity na ibinigay sa akin ng GMA.  Nang malaman ko po ang role ko rito, nag-workshop na ako, inaral ko na ang script at na-challenge din ako na magpapapayat dahil tingnan naman ninyo ang nanay ko rito, si Ms. Sunshine, napaka-sexy niya. 

“Alam ko pong magagampanan ko ang role ko, dahil bukod kina Ms. Sunshine at Ms. Bing (Loyzaga), si Tito Zoren (Legaspi) at sa director namin, si Direk Gil Tejada magga-guide sa akin dito.”

Bea, Benjamin, Sunshine 2

Sa story ay tunay na anak nina Sunshine at Zoren si Bea, pero nagkahiwalay sina Sunshine at Bea nang isilang niya si Bea sa isang bus accident at si Zoren ang nakakuha kay Bea.

Inangkin niyang anak si Bea, samantalang si Sunshine ay nagkaroon ng magandang buhay abroad at nang bumalik ay isa nang sikat na fashion designer.

Pareho nilang mami-meet si Benjamin Alves na nagkaroon ng relasyon sa dalawa.      Kung malaman nilang mag-ina sila, may magpaparaya ba sa kanilang dalawa?

Sa Monday, July 16 na mapapanood ang Kapag Nahati Ang Puso 11:30 AM bago ang Eat Bulaga.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s