Sue, tinawanan na lang ang tsikang may ‘lesbian’ sa kanila ni Maris

By:  Rose Garcia

NATAWA kami kay Sue Ramirez nang sabihin na ‘kabaong’ na lang daw ang katapat ng buhok niya kaya siya nagpagupit ng napaka-ikli.

Talagang patay na raw kasi ang buhok niya sa mga kaka-plantsa, kakakulot, kasama na ang pagpapakulay sa buhok niya na kahit treatment, hindi na mabubuhay.

Yung pagpapagupit niya ng buhok ang isa sa tila naging dahilan kung bakit na-isyu sila ni Maris Racal.  To the point na pinagdudahan ang pagiging magkaibigan nilang dalawa at tomboy o lesbian daw ang isa sa kanila.

Ang-Babaeng-Allergic-sa-Wifi

Tinawanan na lang naman daw nila ni Maris ang isyung yun, pero at the same time, nakakalungkot din daw na ganun mag-isip ang mga tao.

“Natatawa na lang po kami ni Maris. Pero siguro, ganu’n po talaga ang society. Hindi naman po talaga natin mababago ‘yun, pero okay lang naman. Kasi, parang ang baba na ng tingin ng mga tao sa… ‘di ko alam, e.       

“Kapag ang babae, nagpagupit, ‘pag ang babae, nagbago ng hitsura, may pinagdadaanan, broken o lesbian, ‘di ba?

“Ang babaw po ng basehan natin sa pagkatao ng isang tao and siguro, sa part na yun, dun ako affected.”

Nakausap namin si Sue dahil isa siya sa may pinagbibidahang pelikula sa PPP (Pista ng Pelikulang Pilipino) na Ang Babaeng Allergic sa Wifi at mapapanood mula August 15-21 nationwide.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s