Janine at Andrea, ni-reveal na magiging leading ladies ni Alden sa ‘Victor Magtanggol’

Ni: Rose Garcia

SO, finally ni-reveal na nga kung sino talaga ang magiging leading ladies ng Pambansang Bae na si Alden Richards sa Victor Magtanggol.

Ini-announce na nga sa 24 Oras na kasama sa cast sina Janine Gutierrez at Andrea Torres.

Actually, hindi naman sinabi directly na sila nga ang mga leading ladies, pero part din ng Victor Magtanggol but of course, a lot have assumed na silang dalawa ang magiging love interest ni Alden.

Kung may mga nagre-react at nagne-nega pa rin na kahit naman siguro sinong artistang babae ang ilagay, tiyak na may masasabi ang iba, ang VM ay hindi naka-sentro sa love angle.

 

ALDEN-RICHARDS-vm

Kaya kung nag-e-expect siguro ang ibang mga nag-aabang na sa pagbabalik primetime na ito ni Alden ay may mga romantic scenes siya sa ibang Kapuso actress, baka ma-disappoint lang dahil naka-sentro ang kuwento sa pamilya at sa mga pagdadaanang pagsubok ng karakter niya.

Actually, last na nga sina Janine at Andrea na ini-reveal among the cast. Nauna nang nabalita sina John Estrada, Connie Reyes, Maritoni Fernandez at Yuan Francisco. Kasama rin sina Al Tantay, Chynna Ortaleza, Dion Ignacio, Pancho Magno, Eric Quizon, Freddie Webb, Kristoffer Martin, Lucho Ayala, Kevin Santos, Benjie Paras, Sheena Halili at Christian Bautista.

Nasa ibang bansa ngayon si Alden at nagte-taping pero alam namin, malapit na malapit na itong mag-pilot.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s