Edgar Allan, bibida na naman sa kakaibang pelikula kasama si Chai

Ni: Ricky Calderon

NAG-HOMECOMING si Edgar Allan Guzman a few days back sa Eat Bulaga where he won as ‘Mr. Pogi’ in 2006.

Ang sarap daw ng kanyang pakiramdam nang muli siyang tumuntong sa Eat Bulaga studio.

Matagal rin siyang hindi nakabalik sa top-rating noontime show dahil naging contract star siya ng Kapatid Network then napunta siya sa Kapamilya network where he placed 4th sa Your Face Sounds Familiar at naging mainstay siya ng top-rating drama na Doble Kara.

“Natuwa sila when they learned na nanalo ako ng award. Pero sabi nila baka nagbago na ako. Pero sabi ko hindi naman. I am still the same Edgar Allan na  kilala nila. Ang bait nilang lahat, lalo na si Tito Joey de Leon, Kahit saan niya ako makita niyayakap niya ako,” kwento ni EA nang makausap namin over dinner before the Eddys Awards last Monday.

Happy si EA dahil he is celebrating his 12th anniversary sa showbiz. Bukod sa mga awards and nominations he got for Deadma Walking, thankful din siya sa mga film projects na dumarating sa kanya.

Edgar Allan Guzman

Lead actor si EA sa Pinay Beauty, produced by Quantum Films at entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino na gaganapin mula August 15 to 21 in cinemas nationwide.

Sobrang mapagmahal na boyfriend ni Chai Fonacier ang role ni EA sa movie na dinirek ni Jay Abello.

“Siya ‘yung tipong gagawin ang lahat in the name of love kahit na mapahamak pa siya,” kwento ni EA.

“Dahil sa kagustuhan ni Chai na gumanda, mapapahamak ako just to help her.”

Parang hindi nauubusan nang project si EA.

“Siyempre thankful ako dahil maraming blessings na dumarating. Masaya ako kasi ‘yung mga movies na ginagagawa ko ay nasasali sa festival. Maganda kasi maraming nakakapanood nito. Sana mas maraming movies pa ang dumating,” wika ng MMFF Best Supporting Actor winner.

Pinay Beauty is a comedy  na sinulat nina Allan Habon at Rod Marmol. Tungkol ito sa perennial quest ng isang Pilipina na magmukhang Caucasian at ang kaakibat na gastos para ito may makamtam.

Also in the film are Janus del Prado, Nico Antonio, Hannah Ledesma, Mariko Ledesma, and Maxine Medina.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s