Anne, gustong patunayan na kaya ng female lead na gumawa ng action movie tulad ng ‘BuyBust’

Ni:  Rose Garcia

WALANG pagdadalawang-isip na tinanggap ni Anne Curtis ang pelikulang BuyBust kahit noong una pa lang daw na sabihin ito sa kanya ng manager na si Boss Vic del Rosario.

360 degree na bago kay Anne ang Buybust sa lahat ng mga past projects niya.  At isa raw ito sa malaking dahilan kung bakit tinanggap at nagustuhan niya agad.

Viva Buy Bust_251670

As in, action kung action si Anne rito alongside her co-stars na sina Brandon Vera, Victor Neri, AJ Muhlach, Joross Gamboa, Noni Buencamino at Arjo Atayde.

“Gusto kong patunayan na kaya ng female lead na gumawa ng action. Gusto kong patunayan dito na kaya rin nating mga babae na gumawa ng action na pelikula. Sana it can open doors.”

Agad-agad naman, sinabihan si Anne na siya na raw ang Action Queen kaya parang nahiya ito sabay sabi nang, “Hindi pa naman siguro.  Grabe naman yun.”

Pero napakalaking pelikula nga ng BuyBust na dinirek ni Erik Matti under VIVA Films at Reality Entertainment. Hindi lang dito sa bansa sa August 1 ipalalabas ang BuyBust, ipalalabas din ito sa ibang bansa kunsaan, ang Well Go USA, same international distributor na nag-distribute rin ng international hit movie na Train to Busan ni Gong Yoo ang magdadala sa 21st Annual Superhero Kung Fu Extravaganza sa San Diego Comic Con sa July 19.

Pero sa July 18, magkakaroon na ng Canadian premiere sa Fantasia Festival as well as sa Asian premiere nito sa Buncheon International Fantastic Film Festival.

BUY_BUST_950

Ipapalabas ang BuyBust sa US, Korea, Middle East, Hongkong at Singapore.  Napakalaking boost nito sa film career ni Anne na sa this year alone, sinimulan na niya sa Sid & Aya (Not A Love Story) na siyang may hawak ng highest grossing film pa sa taong ito.  At may pang-MMFF pa siyang Aurora.

Nagkataon na nagkasabay-sabay lang daw talaga na ipinalabas ang mga pelikula niya ngayon, pero hindi raw niya sinadya.  Ang BuyBust nga naman ay may dalawang taon niyang ginagawa.

Sey ni Anne, “I’ve been working on this for two years already and alam ko ang dami nang naghihintay na mapanood siya dito. Ang galing din kasi, at least masho-showcase ang quality ng Filipino film sa ibang bansa.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s