Sunshine, gusto nang matapos ang kalbaryong bitbit sa kanyang balikat

Ni: Ruel J. Mendoza

HOPING for the best si Sunshine Cruz sa pagpapawalang-bisa o annulment ng kasal nila ng aktor na si Cesar Montano.

Pinagdarasal nga ng aktres na magkaroon ng magandang resulta ang lahat para matapos na raw ang kalbaryong bitbit niya sa kanyang balikat ng ilang taon na.

“Sa mga dumating na blessings sa akin sa mga nagdaang-taon, naging mabait si Lord sa amin ng mga anak ko.

“Hindi ako nawalan ng trabaho ever since na nakipaghiwalay ako. Nanalo pa ako ng acting award, nakapagtapos ako ng college degree at ang mga anak ko, lumalaking magaganda, mababait at magagaling sa school.

“Now, I have a new teleserye sa pagbalik ko sa GMA-7 na ‘Kapag Nahati Ang Puso’. I have two new movies pa.

“I have nothing but puro thank you kay Lord dahil after all ng mga pagsubok sa buhay naming mag-iina, nandito pa rin tayo at nakatayo and making something good and important out of myself,” sey pa ni Sunshine.

Benjamin and Sunshine

Sa mga pinagdaanan daw na mga kontorbersya ng kanyang estranged husband, ayaw mag-comment ni Sunshine ng kung anu-ano pa.

“Iwas na tayo sa ganyang mga comments. I learned my lesson.

“Mas gusto kong pag-usapan itong bagong teleserye ko. Mas importante ito sa akin ngayon,” diin pa ng aktres.

Balak na mag-take up ng masteral course ni Sunshine para makakuha siya ng license para maging full-pledge psychiatrist na siya.

“Nagkaroon ako ng interes na alamin ang behavior ng isang tao. Kung bakit ito nagbabago, bakit ganito ang iniisip niya at bakit kailangan niyang gawin ang mga bagay-bagay na alam naman niyang mali at nakakasakit.

“Based on my life experiences, ito ang mga gusto kong malaman sa isang tao at kung may gamot ba sa ganitong klaseng behavior or wala na ba?” pagtatapos pa ni Sunshine Cruz.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s