Paris trip nina Megan at Mikael, muntik nang maunsiyami; Lauren, to the rescue

Ni:  Rose Garcia

MUNTIK nang maunsiyami ang Paris trip ng magkasintahang sina Megan Young at Mikael Daez.

Halatang stress na stress si Megan pagdating nila ni Mikael sa airport. Dahil kailangan ng ipakita ang passport, mukhang dun lang na-realize ni Megan na naiwan niya ang passport niya.

Pero si Mikael, nakuha pang i-IG stories ang girlfriend habang may kausap ito sa telepono. Kitang-kita ang stress ni Megan at ni hindi na makuhang ngumiti.

Habang si Mikael naman, cool lang at tila inaasar ang girlfriend sa pagsasabing, “Stress na stress si atey.”

At sey pa niya kay Megan, “problemado.”

Nakaalis naman sina Megan at Mikael sa kanilang one week trip to Paris. Naging saviour ni Megan ang kapatid na si Lauren Young. Pinasalamat nga nito ang kapatid na hinatid daw ang passport niya sa airport.

Eh, siguradong sabik na sabik na si Megan at Mikael na makapag-travel silang muli. Ito ang isa sa paboritong gawin ng dalawa.

Hindi nila ito magawa dahil pareho silang abala sa taping ng kanilang panghapong-serye sa GMA-7 na The Stepdaughters na isa sa inaabangan araw-araw ng mga Kapuso.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s